Kumuha po ako ng condo unit, nagbayad ng reservation (April 26), tapos hinigan nila ng requiremnts, para daw sa filing ng loan approval kasi financing po. I was also told na if makapag spot DP after 1 month (up to May 26) ako may discount na 5%. Di ko sya nabayaran kasi out of town ako, but in-extend naman nila. On June 7, naka receive po ako ng text from the bank na "your loan has been approved". On June 9, with their extension para sa discount plus the approval ng bank, talaga po pinilit ko makabuo ng pera pang deposit. After few days, pinag sign nila ako ng marami documents at pinag issue ng dated checks para sa Maintenance fee (24 PDCs) and I was told around katapusan ng July baka makalipat na ako. Before end July nag follow-up ako kasi nagpaalam na ako sa inuupahan ko, then they told me may lacking requirements ako which includes may na-trace daw ng unsettled bill ko sa credit card sa 1 bank na 14k. At first di ko po sya matandaan, then later naalala ko na card ko po yun year 2002 at sabi nila need ko daw i-settle bago nila ma-issue letter of guarantee. Pero paano po kung wala na ako pera tapos need ko pa ulit mag open ng account sa bank na magfinance kahit may existing checking account na ako. Ang question ko po:
1. Nagba-back out na po ako, kasi nag spot dp ako kasi sabi nila approved na tapos ngayon hindi pa daw kasi nga may card issues pa ako na-trace nila. Pero sabi nila wala na raw ako ma-refund kasi card issue ko daw yung reason ng disapproval. Legal po ba yun na i-forfeit nila yjng Php 184,000+ ko?
2. Bakit po sila nagpapa down, kung pag financing po pala at later ma disapproved ay mababalewala pala yung pera?
Inutang at inipon ko po yun para makapag invest ako kesa habambuhay ako nangungupahan sa pagtatrabaho ko? Tapos ganon lng wala na daw ako makukuha?
Sana po matulungan nyo ako sa payo nyo..