Lumipas po ang ilang taon at ngayon po ay naniningil na. Ang gusto pong kabayaran ay 6,000 buwan-buwan. Hindi po namin kaya sa dahilang kapwa po kaming walang trabaho at nangongontrata lang po ako.
Nakiusap po kami na hanggang 2,000 buwan-buwan lang ang kaya namin. Hindi po pumayag at pinabaranggay po ang asawa ko.
Sa baranggay po ay humingi na kami ng tulong sa chairman na sana ay maibaba sa 2,000 kasi hindi po talaga namin kaya yung 6,000. Wala pong nagawa yung chairman namin at pinagbabayad po ng 6,000 yung asawa ko.
Tama po ba yun?
Dahil po dito, napilitang lumapit po kaming lumapit sa mga kakilala para makautang ng pambayad. Buti na lang po, isang kakilala namin ang nag-alok ng trabaho sa asawa ko. 8,000 po ang suweldo na ibinigay sa asawa ko bilang assistant sa clinic.
Ngayon po, ang tanong ko po ay. Tama po ba yun na ipilit yung 6,000 gayong 2,000 lang kaya namin? Ang nangyari po ngayon ay pinagtratrabaho ng asawa ko ay para lang sa utang.
Hindi naman po naming nais na takbuhan yung nagpautan. Kasi ngayon po ay talagang pinipilit naming bayaran yung 6,000.
Ano po bang, magandang gawin. Para po kasing hindi tama. Kahit po sa 8,000 na suweldo ng asawa ko ay kinukulang pa rin po sa amin kahit idagdag po yung kaunting kinikita ko.
Marami pong salamat sa payo.