Mayroon kaming isang appliance na binabayaran monthly sa halagang isang libo. On time kami magbayad pero last december 2016 naconfine ang mama namin sa hospital at namatay at dahil dito, dumami ang utang namin sa ibat ibang tao. Sobrang gipit kami ngayon. Nagbabayad kami ng utang pero one at a time lang at marami naman ang nakakaintindi. Pero itong isang company na to ay sobrang grabe magdemand na magbayad kami. Naalarma kami nung nagpadala ng demand letter nitong linggo lamang at nakasaad dito na "We will file a civil and/or criminal case against you in 10 days if we do not receive any payment upon receipt of this letter ".
Nakiusap naman kami na magbayad ng 500 kada buwan kasi hanggang doon lang talaga ang abot ng budget namin base sa income ng pamilya namin ngayon at base din sa iba pang binabayaran naming utang pero tumanggi sila dahil mapupunta lang daw un sa tubo. Sabi naman namin pwede kayang magantay sila hanggang makagraduate ako next year at doon kami magbabayad ng kahit magkano hanggang maubos agad ang utang pero ayaw nila.
So ngayon po e medyo naalarma lang kami dahil sa CRIMINAL at CIVIL word na nilagay nila sa sulat.
Maaaring maliit na halaga lang po ang 14 thousand sa iba pero sa akin po ay sobrang laki nito dahil sobrang gipit talaga kami ngayon sa daming binabayarang utang.
Ano po ba ang dapat naming gawin? Sana po ay maadvice niyo po ako. Maraming salamat.