Lagi na lang tuwing kukuha ko ng NBI clearance may hit pero actually ako lang naman din yun. Ang di ko lang matanggap parang criminal case yung service obligation ko. Dati akong DOST Scholar at currently, 'blacklisted' ako sa immigration dahil bawal ako lumabas ng bansa hanggat di ko pa natatapos yung service obligation ko although ngayon, allowed naman kung tour lang at di naman pagwo-work ang gagawin sa ibang bansa.
Naiinis ako kasi, ako lang naman din po yun at ayoko talaga nasasayangan ako ng pamasahe just because sa hit ko na di naman criminal case.
Ano po kaya maganda gawin para sa susunod na kukuha ako, maprint na agad yung clearance ko within the day?