Noong High school, full scholar ako ng isang school sa aming probinsya. Then in college, they still helped me by giving assistance to my studies but not all.. Wala po kaming written contract basta alam lang po namin na magtuturo kami sa school na yun pagka-graduate. I served there for 3 years and now that I decided to resign, they said na hanggang 8 years daw po equivalent ng service .Pinababayaran sa akin lahat ng ginastos nila sa pag-aaral ko. Yung contract na pinirmahan ko lang ay Employment Contract but nagulat ako na until March 2019 pala nakalagay. Pinablanko nila kasi yun saken nung pinirmahan ko dahil sabi sila raw maglalagay noon.Nagtanong kami, sabi ay 3 years probation daw po yung contract. Marami akong kasabay na nag-sign pero until 2014 lang sila. Sabi saken scholar daw kasi ako. May loan din po ako pero babayaran ko na naman sya in form of a manager's check. Ayaw nila tanggapin dahil sabi nila isama ko raw bayaran yung scholarship ko worth Php76 000. Gusto nila buo.
Questions:
1. Dapat ko po bang bayaran yung scholarship ko?
2. Sabi nila kakasuhan daw ako ng breach of contract. Posible po ba yun knowing na blanko naman yun noong pinirmahan ko?
3. Sinabi rin nila yung unwritten laws at ammicable settlement? Ano po yun?
4. Meron pa po kayang pwedeng ikaso sa aming scholars?
Thank you.