Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Barangay Captain Building a Structure Without Permission

Go down  Message [Page 1 of 1]

Bongskie_26


Arresto Menor

Hi PinoyLawyers,

Yung barangay captain po namin ay sapilitang nagtayo basketball court na umabot sa lupang tinitirhan namin.

Nag-search po ako sa internet at nabasa ko po ung E.O. 1035, Act No. 2259, R.A 10752, RA8974, at iba pa. Ngunit hindi naman po namin alam ang tamang proceso at gagawin para matigil na rin po ang ginagawa sa amin ng barangay.

Free land po dati ang lupa na tinitirhan namin nun dahil nasa malapit po bukirin po ng Candaba. At nagfile po ang mga magulang ko na sukatin ang tinitirahan naming lupa. 6 years ago pinasukat ng magulang ko ang lupa, may titulo na at binabayaran na namin ng buwis taon taon.

Nung oras po na ipasukat ng magulang ko ang lupa at nilalagay na yung huling muhon ay binunot at tinanggal ng ama ng kasalukuyang barangay captain. Dahil sa nakainom ay hindi nakapagsalita kahit na yung mga government employee na naglalagay ng muhon.

Nung nagbakod kami ng bahay ng kawayan ay binunot ng mag-ama ang bakod namin. Wala kaming magawa dahil na rin sa may katungkulan sila.

Meron din sitwasyon na nagputol sila ng parte ng acacia na puno namin at binagsak sa bubong ng poso namin na pinagiigiban at naputol nilang puno. Nasira ang bubong at hinayaan nalang nila, miski man lang itinayo ung kawayan na poste. Ang sabi ko sa Nanay ko na kuhaan yung mga ganong sitwasyon para may katibayan kami sa mga ginagawa nilang di maganda sa amin.

Ngaun po ay may proyekto ang Governor na irenovate ang basketball court, at halos matatapos na nila. Sinimulan po nila magtayo sa loob ng tirahan namin. Kinausap ng magulang ko ang foreman, ngunit ang sabi ay iyon daw ang utos ng kapitan. Mayroon mga empleyado daw sa gobyerno na pumunta. Ngunit mukhang di naman nila pinagaralan mabuti o sinurvey ng detalye man lang. Wala din pong abiso na magtatayo sila o kinausap man lang kami na may-ari ng lupa kung i-acquire nila ung nasakop, na syang dapat. Eto yung pagkakaintindi ko sa nabasa ko sa E.O. 1035 at RA 8974.

Mayroon pa pong patubig sa tabi ng basketball court sa bahay namin. Na yung drainage po ay barado dahil na rin sa mga lupa at di tumutuloy sa main dike. Kayat etong panahon ay naiipon sa loob ng bakod namin ang mga tubig.

Kinuhaan ko po nang litrato ang itinayo nilang elevated na basketball court bilang katibayan at yung daanan ng tubig na puno ng lupa.

Di ko po alam kung eto ba ang tamang batas sa sitwasyon po namin. At sobrang pang-gigipit at pag-gamit kapangyarihan o pwesto na sa aking palagay ay di naayon, di malinis na konsensya, at di makatarungang pagtrato sa kanilang nasasakupan.

Ang balak po namin ay bumalik sa Assessor's Office para magtanong, pumunta ng PAO dahil wala nman kami kakayanan magbayad ng attorney, pumunta sa Mayor's Office, at pumunta sa Governor's office na nasabing may akda ng proyektong basketball court.

Malugod ko pa tatanggapin ang inyong payo kung ano ang aming nararapat gawin o kung mali man ang pagkakaintindi ko sa aking nabasang articles.


Location: Candaba Pampanga


Lubos na Gumagalang,
Bong Pangilinan



Last edited by Bongskie_26 on Fri Aug 11, 2017 6:55 pm; edited 6 times in total

Bongskie_26


Arresto Menor

Any advice on the case above? Thanks.

Bongskie_26


Arresto Menor

Meron po ba dito sa forum na to na makakapagpayo sa amin.

Kasalukuyan po ay meron na naman po hinuhukay sa tabi namin ang barangay. Gagawin daw irigasyon ng tubig papunta sa palayan.

Sana po ay matulungan nyo kami kahit sa pagpayo lang ng gagawin. Hindi na po namin alam ang gagawin. Wala nman kaming kakayahan na kumuha ng attorney. Kaya dito nalang po kami sa internet naghanap ng mga batas batas at kasagutan.

May nagsabi po na kapitbahay na humingi ng Barangay Resolution kung ang proyekto ba ay sa gobyerno talaga o gawa gawa lang ng kapitan. Maari po ba nyo ako bigyan ng ideya kung ano ung Barangay Resolution, para saan ito, at ano ang maaring gamit nito sa sitwasyon namin

Ang payo nyo po ay taus pusong pasasalamatan.

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum