pwede po bang ireklamo ang barangay captain na walang naging tulong sa pag-aayos ng reklamo ko sa kapitbahay na may alagang mahigit 40 baboy sa isang residential area at walang kahit anong permit. ang dumi ang tumatapon pa sa ilog na likuran namin. walang anumang sinabi ang barangay captain kungdi magtatanong sa sanidad sa munisipyo kung ano ang dapat gawin. hindi po ba sa barangay pa lamang eh pwede nang resolbahan iyon dahil nagtanong na nga po ako sa munisipyo ang sabi sa barangay lang po pwede nang isettle yun. pero wala nga pong aksiyon ang barangay captain at parang hindi alam ang gagawin dahil bagong upo pa lang daw po siyan. pakitulungan po ako please para masolusyunan ang pahirap na mabahong amoy ng hangin dahil sa daming alagang baboy ng kapitbahay na hindi naman dito nakatira yung may-ari pero nakakaperwisyo sa kapwa. ang gusto pang mangyari eh ipabago ang bahay namin at gawing kulob para di namin maaamoy ang baho ng babuyan niya.
Free Legal Advice Philippines