Ang problema po ay nabaon ako sa loan sa credit card at personal loan ko po sa mga bangko (2 to 6 banks) kaya po ang iba sa mga loans at credit card ko po ay hindi ko po nababayaran nitong nakalipas na 4 na buwan. Sa ngayon po, ako ay nakakatanggap ng mga tawag at demand letter galing sa mga bangko at collection agency/law firm. Sinasagot ko naman po ang mga tawag nila pero sila pa din ang nasusunod at grabe po kung makipag-usap kahit sobrang hinahon ko naman po magsalita, di nila binibigyan pansin o konsiderasyon ang mga sinasabi kong mga dahilan ng aking pagkakagipit.
Humiling pa ako ng option sa isang bangko (BPI, personal/unsecured loan) na kung pwede ay magawan ng paraan katulad ng restructuring o pahabain ang oras ko ng pagbabayad para lumiit ang hulog ko kada buwan para mabayaran ang aking natitirang utang (P350, 000.00). Ngunit, ang sagot nila (pasigaw lagi at pananakot "magbayad ka! wala!") wala daw silang ganung option na binibigay sa mga kliyente nila sa personal loans at kung hindi ko daw mababayaran ang minimum na due sa katapusan (July 31, 2017) na 27 thousand (interest po ng aking utang) ay hindi sila magdadalawang-isip na i-ban ang pangalan ko sa mga bangko at ididiretso na nila ang problema sa Legal Office. Ang sinasabi ko naman po sa tuwing tumatawag sila ay willing naman po ako magbayad basta mababang halaga po kasi po gipit na gipit po ako ngayon. Sinabi ko rin po sa kanila na naging good payer naman po ako at ngayon lang po talaga nagkanda-malas-malas at naging sobrang gipit na kasabay ng napakaraming obligasyon pa sa pamilya, mga anak.
Naisip ko pong sabihin ang option na un dahil y’ung isang bangko na inutangan ko, nakipagsettle ako by “special balance conversion” kaso ung amount na hulog kada buwan na lumabas ay di ko pa rin kaya kaya pinakausap ko pong pababain pa pero sabi nila hangang dun lang daw ang amount na kaya nilang ibigay kahit na hindi ko pa din kaya yung ganung hulog, um-oo na lang ako para ma-settle na. Pero naka hanggang 3 hulog lang ako sa bangko na un. Hindi ko na rin po kinaya at napahinto na naman ako sa pagbabayad sa bangko na un.
Kaya ko po siguro magbayad ng utang sa mga bangko pero hindi po sabay-sabay. Siguro, mauna muna isang bangko tapos susunod naman po ung isa kung matapos na ung una tapos sa susunod naman.
1. Wala pa po akong sapat na pambayad sa ngayon. Ang una ko pong gustong gawin ay sagipin ang papalugi kong maliit na negosyo, na tindahan sa palengke para makarecover ako at makabayad sa kautangan sa bangko. Paano po ako makikipag-areglo sa mga bangko kung paulit-ulit silang nanakot lang sa tuwing mag-o-offer ako ng kaya kong payment scheme.
2. Ano po ang mga susunod na mangyayari sa mga susunod na buwan kung di ko rin kaya mabayaran kahit ung interest lang na pinapapabayad nila?
3. Anu-ano po ang mga kaso na maaari nilang isampa laban sa akin?
4. Anu-ano po ang maaari kong gawin para malutasan ang mga problema kong ito?
5. Magkakaroon po ba ako ng record sa NBI?
Maraming salamat po sa tugon atty. Di ko na po alam ang gagawin. Sobrang pressured na ako at di makatulog. Nagkasakit ako noon na parang paralysis sa kakaisip. Akala ko totoo po ang slogan ng mga bangko katulad ng “Let’s make it easy,” “We find ways” atbp pero totoo lang po [ala un pag hindi ka gipit at tuloy-tuloy ang pasok ng pera mo sa kanila.