Nung 1st year to 1 1/2 years nakakabayad po kami ng interest at pag di pa po namin kaya bayaran un principal sa specific date na pinagkasunduan namin pinapalitan lang po namin ng cheke with updated date. Pero after 1 1/2 years po, di na kami nakakabayad ng interest nawalan po ng work husband ko and sunod sunod na nagkakasakit mga anak ko at na-hospitalize. More than 6mos din po walang work husband ko at nung nakahanap na sya ulit ng work, and kita po namin napupunta lang sa pambayad sa overdue tuition fee payments para sa mga anak namin at panggastos sa bahay kasi po we're just renting our house. Sa private school po nag aaral mga anak namin.
Patuloy naman po pakikipagusap namin sa relative namin, and we gave assurance na di namin tatakbuhan ang utang namin. At nagoffer din po kami ng ibang options para mabayaran din namin ang utang namin kaso po ayaw nya at gusto nya ay bayaran namin ng buo kasama ang interests and penalties. Nagdoble na po ang loan amount namin dahil sa interest, lagpas half a million na po. Sinabi na po namin na di namin kayang bayaran ng buo kasi po malaki na ang amount. Pero ayaw nya pumayag. Yung cheke po namin kahit na sinabi na namin na walang pondo pinapasok pa din po nya kaya tumalbog na po at nagclose account na sa bank. Nasa kanya pa po mga cheke namin. At may sulat din po ako na nagclarify ako ng principal amount, etc
Ngayon po gusto nya kami basta na lang pumirma sa document na ihahanda nya daw para sa utang namin at against sya na ipakita namin sa lawyer yun. Ang dami na din po nya sinasabi sa amin thru text. kahit po inaassure namin sya na di namin yun tatakbuhan.
Kasi po kung kaya po namin talaga bayaran matagal na po namin naayos yan kaso po wala po talaga kami pambayad. Ngayon po kasi umuupa na kami ng bahay, dati po ay hinde. Kaya sakto lang po talaga ang kita namin ng husband ko.
Ano po ba ang legal action na pwde nyang gawin laban sa amin at ano naman po ang rights namin.
Hoping for your immediate legal advice. Thank you