Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

UTANG NA DI MABAYARAN

+3
tazmanian_79
attyLLL
therence
7 posters

Go to page : 1, 2  Next

Go down  Message [Page 1 of 2]

1UTANG NA DI MABAYARAN Empty UTANG NA DI MABAYARAN Mon Feb 07, 2011 6:31 pm

therence


Arresto Menor

Good day po sir. Lalakasan ko na po loob ko kasi ako kinakabahan sa status ng tita at tito ko.

May offer po sa kanila mag-abroad tapus kinailangan po nila ng pera kaya nag-loan sila sa asia link ng 150k. Ang kaso po kasi naloko sila ng agency, nakulong na yung tao pero wala ng naibalik sa mga binayad nila kaya hirap at di na sila makabayad doon sa utang nila. Noong una po nakabayad sila kahit pakonti-konti lang kaso this past six months hindi na sila nakabayad dahil hirap po talaga. Umabot na po ng almost 350k yung natitira pang utang nila. Dahil kahit cellphone wala sila, yung co-borrower nila na tita ko rin ang kino-contact nung nasa asialink. Gusto po kasi nila magbayad muna ng 70k tapus 4800 per month in 5 years, at stop na rin daw po ang interest. Kaso di po talaga kaya, tapus ngayong araw na to lang po, tumawag daw po yung sa asialink ulit at sabi lalabas na daw niyan yung warrant of arrest sa kanilang tatlo. Sabi pa niya, nabigay na daw po yung subpoena kina tita ko pero wala naman po sila natanggap. Natatakot na po talaga kami dahil ngayon lang kami nasangkot sa kaso.

Tanong ko po is:
1. Ano po ba pwedi ikaso sa kanila at ano ang penalty at bailable po ba?
2. Makukulong po ba silang tatlo?
3. Kung may lalabas man pong warrant, sasama po ba sila kahit wala naman talaga silang natanggap na subpoena?
4. Please advice po ng pweding gawin. Wala po talaga silang pera at takot na po sila kasi baka makulong sila.

Maraming Salamat po, sana masagot po ninyo mga tanong ko. Salamat po talaga.

2UTANG NA DI MABAYARAN Empty Re: UTANG NA DI MABAYARAN Wed Feb 09, 2011 12:05 pm

attyLLL


moderator

i believe that these statements of arrest warrant and subpoena are harassment tactics to make you pay. have them contact asia link and ask for the case number, name of prosecutor and where the case is pending. you can verify yourself. my bet is that they can't tell you.

failure to pay a debt is not a crime. were any checks issued?

https://www.facebook.com/BPOEmployeeAdvocate/

3UTANG NA DI MABAYARAN Empty Re: UTANG NA DI MABAYARAN Fri Feb 11, 2011 2:47 pm

therence


Arresto Menor

Checks? You mean kung nagbayad ang tita ko ng tumalbog na cheke? hindi po sir, wala sila binigay na ganoon. Hindi lang talaga sila makabayad. Yesterday sinabi na nila yung problem sa mom ko, then dahil nabigla sila na may utang sina tita ko ng ganun kalaki, sila nalang daw gagawa ng paraan doon sa 70k and then sina tita ko na daw bahala sa monthly. Ang iniisip ko naman po, paano po kaya kami makakasigurado na hindi na nila bibigyan pa ng interest yung utang? Kasi sabi po nila kapag nakabayad ng 70k then, ire-reconstruct daw nila yung natitira then babayaran for 5 years (P4800 per month) and then i-stop na rin daw nila yung interest. At makakahingi po ba ako ng breakdown ng lahat ng nabayaran nila at yung computation ng natitira pa? kasi nababahala ako na baka hindi man pala nila itigil yung interest baka lifetime na magbayad yung tita ko, tsaka sayang din yung perang itutulong ng parents ko kung sakaling ganun. Any advice po? Ibibigay po ba namin gusto nila or kung kasuhan man sila sure na hindi sila magging guilty at less expense pa? Thank you po sa reply napakalaking tulong ninyo sa amin.

4UTANG NA DI MABAYARAN Empty Re: UTANG NA DI MABAYARAN Fri Feb 11, 2011 3:00 pm

tazmanian_79


Arresto Menor

Good afternoon po. Ask ko lang po un legality ng papers na pinirmahan namin sa contractor namin. Bale po kasi ngpapatayo po kami ng bahay, at un contractor ang ngfifinance. Ang problema po kasi madaming mga napagusapan namin ang di nasusunod ng contractor. Bale po ang napirmahan lang namin sa kanya ay promisory note na mali pa ang date na nakalagay. Pinapabago po namin un kaso ayw nya kasi daw nakanotaryo na at nasa attorney na un kopya. Dpat po kasi ay sa Jan. 5 na kami mgsstart ng payment at un din po ang sinabi nya na turn over nya sa min ng bahay. Kaso hanggang ngayon ay di pa rin tapos un bahay. Pede po ba kaming gumawa na lang ng kasulatan at papirmahan na lang sa knya? Para mavoid na un unang dokumento? anu po ba ang legal na action na pede naming gawin?

5UTANG NA DI MABAYARAN Empty Re: UTANG NA DI MABAYARAN Sun Feb 13, 2011 3:10 pm

attyLLL


moderator

therence, ask for an agreement in writing. while your mom may provide the money, don't let her sign as party or guarantor else she may become liable for the loan in case there's a problem.


tazmanian, contracts, once entered into cannot be modified unless there is consent from both sides. read the agreement carefully, if the basis for payment is turn-over, then you can try to argue that payment is not yet due.

https://www.facebook.com/BPOEmployeeAdvocate/

6UTANG NA DI MABAYARAN Empty Re: UTANG NA DI MABAYARAN Mon Feb 21, 2011 4:16 pm

therence


Arresto Menor

Sir, they are about to pay tomorrow, aside from the written agreement, can we also asked for a receipt? I was just wondering, kung nagbabayad talaga yung may utang, bakit parang wala silang binibigay sa tita kong receipt sa tuwing magbabayad sila noon. Ano pwedi namin makuha na proof? Pwedi rin po ba kami mag-demand ng copy ng lahat ng naging transactions?

7UTANG NA DI MABAYARAN Empty Re: UTANG NA DI MABAYARAN Mon Feb 21, 2011 4:19 pm

therence


Arresto Menor

Yung written agreement po pala, sa kanila po ba namin ipapagawa un? at kahit hand-written lang po ba ok na?

8UTANG NA DI MABAYARAN Empty Re: UTANG NA DI MABAYARAN Tue Feb 22, 2011 12:58 pm

attyLLL


moderator

i recommend you write the agreement together. handwritten is fine. ask for an acknowledgment receipt.

https://www.facebook.com/BPOEmployeeAdvocate/

9UTANG NA DI MABAYARAN Empty Re: UTANG NA DI MABAYARAN Tue Feb 22, 2011 2:37 pm

Clarity


Arresto Menor

Hi po This is Clarity, I have some questions to ask? halimbawa po na meron kang kaso na Bp22 before pero na dissmiss naman po, if you will travel abroad, makakalabas ka pa rin ba? mag rereflect ba yan sa immigration? then pano po pag indi nakuha yung letter of desistance? need po ba yun incase mag travel out of the country? at halimbawa po na meron pong nag file nang case sayo pero wala ka naman sa lugar where the case was filed, den wala pang arraignment na nangyari, makakalabas ka pa rin ba to travel abroad?



Last edited by Clarity on Tue Feb 22, 2011 2:54 pm; edited 1 time in total (Reason for editing : add some questions)

10UTANG NA DI MABAYARAN Empty Re: UTANG NA DI MABAYARAN Tue Feb 22, 2011 2:58 pm

Janica


Arresto Menor

Hi po.May utang po ako na 65K sa isang tao.Dati,nagbabayad po ako ng 8% interest monthly nang matagal.Nang tumagal,pagod na po ako magbayad ng interest at mahirap ang buhay.Inaway nya po ako pero nakiusap na lang ako na ayoko na magbayad ng interest.Pumirma po sya ng personal loan contract na wala na interest at bayaran ko monthly ng 6K.Nakabayad po ako first month.Pero nagsara po ang kumpanya namin so kailangan ko lumipat ng lugar para sa hanapbuhay.Pwede po ba hulug-hulugan ko sa bangko buwan-buwan kahit di umabot ng 6K habang nag-uupimsa pa ako sa bagong buhay?Ayaw po nya payag.Dpat 6k talaga monthly or else kakasuhan nya po ako.Ano kaso pwede nya isampa?Hindi po nya alam address ko at binago ko sim po kasi disturbing po talaga sya magtxt.Pwede ko ba hindi ipaalam saan ako at number ko, tapos hulugan ko sya kahit 3k a month hanggang matapos? Paano po sya magkaso kapag di niya alam address ko?

11UTANG NA DI MABAYARAN Empty Re: UTANG NA DI MABAYARAN Tue Feb 22, 2011 3:10 pm

attyLLL


moderator

clarity, how do you know whether the case was dismissed? do you have a copy of the order of the court?

no, it is not automatically recorded at the Burea of Immigration.

https://www.facebook.com/BPOEmployeeAdvocate/

12UTANG NA DI MABAYARAN Empty Re: UTANG NA DI MABAYARAN Tue Feb 22, 2011 3:32 pm

Clarity


Arresto Menor

Kasi na settle na po namin ng nag file sakin ng case, then sabi ng judge dissmiss na yung kaso, then I paid the amt. of 300 if im correct for the Letter of desistance.

13UTANG NA DI MABAYARAN Empty Re: UTANG NA DI MABAYARAN Tue Feb 22, 2011 3:37 pm

Clarity


Arresto Menor

so kung ganun pla na nd sya automatic recorded sa immigration, pwede pa pla akong mag travel out of the country atty? pero is there a possibility po ba na later it will be reflected sa immigration? I remember that it was may 2008 that i was filed a case of bp22.then hindi ko nga lang po nakuha yung letter of desistance.

14UTANG NA DI MABAYARAN Empty Re: UTANG NA DI MABAYARAN Tue Feb 22, 2011 3:49 pm

Clarity


Arresto Menor

then what about po ba atty yung question ko na halimbawa po na meron pong nag file nang case sakin pero wala ako sa lugar where the case was filed, den wala pang arraignment na nangyari, makakalabas pa rin ba ako to travel abroad?

15UTANG NA DI MABAYARAN Empty Re: UTANG NA DI MABAYARAN Tue Feb 22, 2011 4:15 pm

Clarity


Arresto Menor

I have a question? kasi po ang kasamahan ng kaibigan ko po sa barko na filan po sya ng murder case that was 5 yrs. ago ang sabi po na dissmissed na po yung case pero bakit na hold po sya sa immigration at hindi po nakaalis. nangyari po yun June 2008 nong na hold sya ng immigration.

16UTANG NA DI MABAYARAN Empty Re: UTANG NA DI MABAYARAN Tue Feb 22, 2011 4:30 pm

atasha


Arresto Menor

helo po gud afternoon ask ko lang po anong dapot kung gawin..

naka receive po ako ngaun ng summon from barangay feb 22 , 3 of my sisters sinama.. ang kaso threat , alarm and scandal immoral damages , unjust vexation and slander by deed.... etong nag file sakin ay my utang sakin at hindi din sya sumipot ng pinatawag ko siya sa barangay 4 times consecutive sa barangay and binaliktad na nya ang sitwasyon samin .. ako daw ang pabayarin nya ngaun .... ano pa dapit ko e self depense nito ? kung etuloy ko sa small claims makabayad kaya sya sakin pati yung filing fee bayaran rin ba? salamat and need ur advice

17UTANG NA DI MABAYARAN Empty Re: UTANG NA DI MABAYARAN Wed Feb 23, 2011 3:29 pm

attyLLL


moderator

i recommend you go to the bgy to see what she is accusing you of. if you did make threats and scandal, then that is a separate matter from her debt.

you can continue the small claims. if the other party has proof and you are not able to settle, they can file a case against you.

https://www.facebook.com/BPOEmployeeAdvocate/

18UTANG NA DI MABAYARAN Empty Re: UTANG NA DI MABAYARAN Wed Feb 23, 2011 4:04 pm

Janica


Arresto Menor

Janica wrote:Hi po.May utang po ako na 65K sa isang tao.Dati,nagbabayad po ako ng 8% interest monthly nang matagal.Nang tumagal,pagod na po ako magbayad ng interest at mahirap ang buhay.Inaway nya po ako pero nakiusap na lang ako na ayoko na magbayad ng interest.Pumirma po sya ng personal loan contract na wala na interest at bayaran ko monthly ng 6K.Nakabayad po ako first month.Pero nagsara po ang kumpanya namin so kailangan ko lumipat ng lugar para sa hanapbuhay.Pwede po ba hulug-hulugan ko sa bangko buwan-buwan kahit di umabot ng 6K habang nag-uupimsa pa ako sa bagong buhay?Ayaw po nya payag.Dpat 6k talaga monthly or else kakasuhan nya po ako.Ano kaso pwede nya isampa?Hindi po nya alam address ko at binago ko sim po kasi disturbing po talaga sya magtxt.Pwede ko ba hindi ipaalam saan ako at number ko, tapos hulugan ko sya kahit 3k a month hanggang matapos? Paano po sya magkaso kapag di niya alam address ko?

I hope you can help me on this. Thanks atty.

19UTANG NA DI MABAYARAN Empty Re: UTANG NA DI MABAYARAN Wed Feb 23, 2011 6:24 pm

attyLLL


moderator

hope you have proof of your payments. no, you don't have to let him know your address and new number. changing the terms of the contract requires his consent. to my mind he can only file a civil case for collection

i would have argued that you should not have been liable to pay interest of 8% monthly because that is unconscionable and you might not have even had a written contract.

https://www.facebook.com/BPOEmployeeAdvocate/

20UTANG NA DI MABAYARAN Empty Re: UTANG NA DI MABAYARAN Wed Feb 23, 2011 6:27 pm

Janica


Arresto Menor

Thank you po Atty. God Bless.

21UTANG NA DI MABAYARAN Empty Re: UTANG NA DI MABAYARAN Sun Feb 27, 2011 8:55 am

therence


Arresto Menor

Sir, naibayad na po namin yung 70k (less to the principal and bank account + 5 books <1 book per year for 5 years>), then they are asking them to pay another 6600 for the processing fee etc to renew the contract (para maalis na daw po yung pangalan nung co-borrower) and then para mare-construct daw po yung utang. Do you think 66OO is reasonable? di po ba masyado malaki?

22UTANG NA DI MABAYARAN Empty Re: UTANG NA DI MABAYARAN Sun Feb 27, 2011 2:25 pm

attyLLL


moderator

there was no agreement prior to paying? there should have been no payment unless all matters were resolved. up to you if you are ok with the 6600

https://www.facebook.com/BPOEmployeeAdvocate/

23UTANG NA DI MABAYARAN Empty Re: UTANG NA DI MABAYARAN Mon Feb 28, 2011 6:03 pm

Janica


Arresto Menor

Hi. Kapag nakaalis na po sa datoi kong lugar, tapos nag file sa akin ng small claims yung nautangan ko at hindi nya alam ang address ko, tapos mag execute po ng desisyun ang court na isheriff ako, ano pong mangyayari?Kasi di na po alam ng nautangan ko yung address ko. Thanks po.Ayaw po kasi pumayag na bayaran ko buwan buwan sa bank ng bababa than 6k a month.nagpalit po ako ng number kasi nananakot po kasi pag tumatawag na kakasuhan daw nya ako.

24UTANG NA DI MABAYARAN Empty Re: UTANG NA DI MABAYARAN Mon Feb 28, 2011 7:23 pm

attyLLL


moderator

if the summons cannot be served, the case will be archived until it is served upon you.

https://www.facebook.com/BPOEmployeeAdvocate/

25UTANG NA DI MABAYARAN Empty Re: UTANG NA DI MABAYARAN Mon Feb 28, 2011 7:58 pm

Janica


Arresto Menor

Pasensya po attorney ha pero do ko po masyado maintindihan yung sagot nyo.ibig po ba sabihin,mag-eexecute pa rin ang judge ng sheriff kahit walang nakakaalam kung nasaan ako? At malilimas lang properties ko kapag nakita ako? pano kung hindi sapat yung properites ko sa value ng utang ko?Maraming salamat po.

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 2]

Go to page : 1, 2  Next

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum