So inayos ko po yung papel, yung titulo sa probinsya ay pinuntahan ko pa. Mind you, La Union pa po ito at sa Makati pa rin ako nakabase so ilang araw ko din kinailangan mag leave para maayos lahat ng mga papel na ito. Halos isang bwan din ang ginugol ko sa paghanap ng buyer pero nakahanap naman ako at nagkasundo kami sa halagang 7.4M.
Ngayon po, nitong Byernes lang, nagbigayan na po ng pera PERO nung hinihingi ko na yung komisyon ko, ayaw na po nya ibigay. Sa halip, binibigyan nya ako ng P3,000 dahil ito lang daw yung kapalit ng lahat ng effort ko. Syempre hindi ako pumayag at pinilit ko na P200,000 ang una naming pinag usapan. Ayaw pa rin nya at nagdala na din sya ng piskalya para sabihing wala daw talaga akong makukuhang ganun kalaki kaya tanggapin ko na lang yung P3,000. Nasabihan pa akong mukhang pera at yun lang daw talaga ang nararapat saakin (verbatim: Mukha ka namang pera masyado, ang laki ng P200,000 para sayo no).
Ano pong pwede kong gawin? Sobrang dami ko pong nagawa para sa pagbenta ng bahay na to tapos binabarat ako. Baka naman po pwedeng tulungan nyo ako. May pamilya din naman po akong binubuhay at yung P3,000 na yon walang mararating yon sa lahat ng inabsent ko at ginastos ko para lang mabenta itong bahay na to.
Maraming salamat po!