ako po ay nakabili ng lupa na pag-aari ng kapatid ng asawa ko 2 years ago.
lupa po itong mana nila sa magulang nila, pero nakapangalan pa sa tatay nila, na buhay at malakas pa. dahil nga bilihan ng magkapatid, walang kahit anong kasulatang nagkaroon ng bilihan.
2 months ago, humingi ako ng kasulatan, na kahit meron lang lagda ng kapitan ng baranggay, subalit wala pa until now, marami silang reasons kaya di pa mapirmahan. Napilitan akong idulog sa kapitan ng barangay.
Sa usapan namin, hindi naman itinatanngi ng bayaw ko ang bilihan, pero ayaw na nyang pumirma sa kasulatan, at nag walk out na, hindi tuloy natapos ang usapan namin.
ang gusto na nila now is isoli ang pera, pero wala namang silang cash now..
Ang tanong ko, meron ba akong laban kung sakaling itanggi nila na merong bilihang nangyari kung idulog ko sa husgado ang kaso namin? Maari ko bang gawing testigo ang kapitan o bry. secretary na mediator sa usapan namin, since di naman nya itinanggi ang bilihan that time?
Salamat po..