hello po. tatanong ko lang po sana kung pano po ang process ng pagpapapalit ng surname? gamit ko po kasi ang surname ng papa ko. based on my birth certificate, kasal ang mama at papa ko, kaya kaya gamit namin ng kuya ko ang surname ng papa ko. pero hindi sila nagsasama. bata palang kami, may ibang pamilya na ang papa namin. kaya nung namatay si mama, nung nagclaim kami ng pension sa sss, pinakuha kami ng marriage certificate ni mama at papa. kaso nung nagpunta ako sa nso, walang nakaregister na kasal sa pangalan ng mama ko, kaya cenomar nalang ang kinuha ko. tapos nung pinasa ko na yun sa sss, sabi since hindi nga daw pala kasal sina mama at papa, meaning illegitimate daw kami ni kuya. so kung ganun since hindi din naman kasi sinusuportahan ng papa ko, gusto ko po sanang papalitan nalang ang surname ko ng surname ng mama ko. ano po bang mga dapat kong gawin? tsaka kaylangan ko pa po ba ng consent ng papa ko? 22 yrs old na po ako. salamat po