Atty, naway matulungan niyo po ako sa suliranin ko may nagtext po sa akin na ganito;
"Ms. / Mrs. insert my name po
this is from the Fiscal Office of Makati City Prosecutors Office. This is to inform you that your court summon and subpoena will be served
within 48 hrs regarding to Art. 315, RA 8484 Access Devices Regulation Act of 1998 (SECTION 9 ) of the revised penal code civil case filed which is due for court warrant to be assisted by NCRPO CAMP BAGONG DIWA
TAGUIG.
Kindly coordinate REX ESPANTO clerk of court"
Atty sobrang natakot po ako sa text na ito kaya tinawagan ko po yung nagtext cya din pala ung clerk of court binigay niyà po no. ng anogado sa akin hingi daw po ako ng affidavit of desistance at TRO kasi on the way na daw po yung aaresto sken.Sa sobrang takot ko po tinawagan ko agad yung abogado na sinasabi nia nung nakausap ko po pinababayaran nia saken ang balanse ko na 45727, ang alam ko lang naman pong balanse ko 18k hindi ko po inakala na lalaki ng ganoon sa 5 buwan kong hindi paghuhulog.Sa totoo lang po nagbabayad po ako ng tama nagkataon lang po nà nagkaproblema ako sa pagbubuntis ko na naging dahilan kung bakit ako nakunan at natigil sa trabaho.Plano namin magbayad ulit ngayong July dahil tinapos po muna namin ng asawa ko mga kailangan sa pag aaral ng mga anak ko.Asawa ko lang inasahan namin sa gastusin may 2 pa kaming anak at nakikitira sa bahay ng magulang ko.Kakabalik ko lang din po sa trabaho.Nung makausap ko po yung abogado sb nia po "oh asan ka nakakulong kana ba?" dahilan para lalong madagdagan kaba t pangangatog. ng tuhod ko.Sabi niya kailangan ko daw magbayad ng buo hanggang 5pm sobrang takot ko po at awa ko parasa mga anak ko nakiusap po ako ng ibang paraan pa.Tinanong nia po ako magkano pera ko sa takot ko sabi ko po 7k yun po kasi sinahod ng asawa ko pinahulog nia po sa loan account no. ko at sabi nia yung kulang ko po kailangan ko mabayaran hanggang July 7 kundi aarestuhin na po ako.Atty walang wala na po ako mailalabas kundi ung sasahurin lang namin mag asawa kahit isang buwan na palugit kulang pa po.Wala din naman po akong ari arian.Tinanong ko po kung saan opisina nila para makapunta ako at makiusap ng personal (promissory note) pero nilihis niya po sagot nia.Wala din naman po akong nareceive na letter o notice galing sa law firm nia.
Atty umaaasa po ako na mabigyan nio ako ng kasagutan para po sa ikatatahimik ko dahil sa totoo lang po hindi na ako makapagtrabaho ng maayos maging sa pagtulog ko nadadala ko ang suliranin ko.
Maraming salamat po
jo08