gusto ko po sana na iconsult yung situation namin ngaun ng wife ko regarding sa loan. Bale yung hiniraman po namin is yung grupo ng tita ng wife ko with her tita as our co maker Ang amount po na kinuha namin april last year is P25K with 10% interest/month, nakapaghulog po kami until september last year around bale total ng amount na nabayaran namin is P35K na, dun sa tita nya namin inaaabot yung hulog namin. Hindi na po namin nahulugan ulit yun kasi ngkaproblem kami financially.
Around dec po last year sinisingil na kami ng tita nya dun sa loan and ang nakakagulat is umabot na sa almost 50K un balance ang katwiran nila is interest daw po yun and penalty kasi dina nkapagbayad since sept, meron pa sla sinama dun sa balance na amount nun dati daw namin na loan w/c is bayad na dapat. Nagbayad pa po ulit kami ng total na 6.5K for dec. Till now po ay pinupuntahan kami sa bahay and binabantaan kami nun tito nya na manggulo pag hindi inayos un hiniram namin kasi sila daw ang nghuhulog dun.
Ano po kaya aksyon na pwde gawin namin para mahinto na ang pang haharass nila. Alam po namin na hindi po namin nabayaran un hiram namin on time kaya nag accumulate ang interest. Pero meron na sila sinisingil sa amin na dpat bayad na. Ang concern ko po kasi is wla kami proof na ngbayad kami tlaga kasi yung dati na listahan namin e knuha ng tita nya kasi aayusin daw yung list nila kasi magulo bnigay naman po ng wife ko kc di nman expect na mgkproblem since pamilya namn cla. Ngayon po hinde na namin makuha kasi nawala na daw po. Ngayon po ang basehan na lng namin is yung listahan nila which is npakagulo at may mga bnayad kmi na hinde nakainclude.
Sinubukan po namin isettle yung dispute kami-kami lng pero wla po nangyari. Hanggang ngayon ganun pa rin po weekly ngppunta cla sa bahay at kung anu ano cnsabi sa wife ko. last time is nag complain cla sa brgy den dun po kami ngharap, npansin din sa brgy un discrepancy. ang nging solution nila is mgbigay na lng kmi ng 1k, den sabi sa brgy na wg na lng pnsinin sa susunod and mangako na lng ng mangako.
Concern ko po ngayon is pregnant ang wife ko and ayaw ko na sya mgalala tungkol dito. Iniisip ko po is hamunin na lng sila na mgfile ng case against samin ang kaso po wala kami proof of payment na evidence sa court, ayaw na rin po namin kasi prang pineperahan na lang kmi, lalo na ang sabi nya ay sa knya na dw kmi my utang dahil sya na ang nghulog dun sa balance. Ano po kaya ang magandang gawin sa situation namin?