I need your advice.
I am married to my wife for 5 years now. We have a 4 year old daughter.
Pressing issue ay d magkasundo ang mom ko at ang asawa ko. My mom, brother and sister are Yolanda victims and pinapunta ko sila dito sa Manila. Dahil kapos sa pera nasa isang apartment lang kami. Ilang beses nagumpisa na sumabat ung mama ko nung nagka deskosyon kami ng asawa ko dahil sa aattend lang ako ng christmas party. Sabi niya, akala mo d ako makakahanap ng pampalit sayo. Sabi ng mom ko na hitting below the belt ka na. Mother inlaw mo ako tpos gaganyanin mo ang anak ko sa harap ko. Sa ilang beses na napagttalo namin nakukuha pa nya i risk ang buhay ng anak ko. Infant palang siya non na mag lalayas siya ng madaling araw dala ang bag at dala yung bata. Wala akong magawa kasi ang sinasabi niya palagi na habang d pa ng sseven years old ang bata saken siya. Naka ilang beses na ngyari ang mga incident na gayang.
Ang mgakapatid ko d makagalaw sa bahay kasi pinagddamutang. Nagpaparining o ung computer bukas nnaman malaki babayaran ng kuryente. Eh ako naman ng babayad lahat.
Nun lumipat kami ng apartment na bago ngkagulo nnaman sila ng mom ko. Nanagkasakitan sila. Sabunutan at suntukan. Naikwento lang ng kapatid at yaya saken kasi nasa trabaho ako. Ilang beses na niyang pinag bataan ang mom ko na papatayin niya. Hanggang to the point na sabi ng kapatid ko ng mag hiwalay na ng bahay. Pero d nga namin kaya kasi wala kaming pera. Walang trabaho mom ko at senior na siya. Naawa na nga ako sa mom ko kasi kung saan saan siya nag hahagilap ng pera pampaaral sa mga kapatid ko. Hanggang lumipas ang panahon na medyo naging okay na until this June. Umuwi ng probinsya ang asawa ko at anak kasama ung yaya. D na bumalik ung yaya at sinisisi un mama ko. Pagkabalik nila ng manila ay ng clash sila uli, araw araw ng ganito pagkauwi ko.
Ngyun nasa kanya ang bata nasa tito niya sila. Tinawagan niya ang parents niya para sundu-in ung anak ko at dahilin sa probinsya.
Nag ttrabaho ang asawa ko pero mag rresign dahil mag aaral siya. Pero alam na nga nya kapos ang pera tpos ganyan pa. Sa enrollment ako ang sumalo sa anak namin. Kasi ayaw nyang gumastod kasi sa pag aaral nya. Pang grocery ko na binibigay na 5k tinitipid palagi ang bata na sabi ko lata ng gatas ang bilhin mo ata ung malaking diaper. Refill lang ng gatas ang binibili at 12 pcs na diaper palagi. Napapa abono ako lagi. Since dati pa napansin ko na talaga na d siya ideal parent at sarili muna iniintindi nya. Ni mag timpla ng gatas o mag hugas ng pwet ng bata pag dumumi. Lahat utos sa yaya. Pag natutulog na sila kung ayaw nya ng electric fan inaalis nya habang pawis na pawis ang bata. Kun may electricfan man siya lang may kumot at ung bata wala.
Ayoko makisama sa taong ganito ang ugali sa buong buhay ko. Anu po ba ang magandang ma ipapayo niyo. Naaawa din po ako sa bata. Sa kanya pa rin ba mappunta yun. Kung wala na siya source of income at sa parents niya siya kukuha ng pang gastos dito. Nasabi ko pala na i uuwi ang bata sa probinsya habang andito siya sa manila mag aaral.
Thanks in advance sa lahat ng mag reply.