Hello, hingi lang po sana ako ng advice. Nagsangla po kasi ako ng kotse sa 5'6 last march. Ang ipinahiram po sakin nung pinagsanglaan ko ay 400,000 pesos. Nakapagbayad po ako sa kanya ng 135,000 pesos bago po ako mawalan ng trabaho last June. June po wala na po talaga ko mapagkuhanan ng ibabayad sa kanya, kaya po napilitan na po ako ibigay ang sasakyan ko sa kanya dahil natatakot na din po ako at pinagbabantaan nya po ako. Ngayon po nasa kanya na yung sasakyan sinisingil pa din po nya ko ng 435,000 pesos at tinatakot nang kung ano ano pag hindi daw po ako nagbayad. Ano po kaya magandang gawin ko? Salamat po sa sasagot.