Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Medical Malpratice (Cancer Patient please help)

Go down  Message [Page 1 of 1]

Eory921


Arresto Menor

Please help po!!

Kwento ko po muna para malinawan kayo sa sitwasyon namin.

May thyroid cancer po ang mother ko at inadvise sya to undergo a medical procedure para maalis yung bukol nya sa leeg. Inopera po sya but in the middle of the operation kinausap kami ng Surgeon (A) at sinabi nyang hindi nya matatanggal ang bukol kasi sobrang laki daw po at pag pinilit alisin ay pwedeng magdugo at ikamatay ng mother ko. So her doctor referred us to another Surgeon (B) and thankfully naalis naman po ang bukol. Pero wala pa pong isang buwan ay may tumubo ulit na bukol sa leeg ng mother ko kaya po inadvise ng Surgeon (B) na operahin ulit ang mother ko. At nagpaopera po ulit sya. Biniopsy po ang nasabing bukol at nalaman po na yung bukol na yun ay hindi naman pala cancerous. At naalala po ng mother ko na pagkatapos nyang operahin, sinabi po sa kanya ni Surgeon (A) na may nakita syang parang 'hukay' sa leeg ng mother ko kaya kumuha sya ng laman sa ibang part ng leeg para tapalan yung nakita nyang 'hukay'.
Turned out na yun palang bukol na yun ay yung itinapal ng Surgeon (A).

Ito po ang tanong ko:

May mali ba sa ginawa ng Surgeon (A)? Di po ba kung ano lang ang pinirmahan sa waiver ay yun lang ang gagawin ng doctor? Hindi rin po nya sinabi sa amin nung ipinatawag kami na may gagawin syang iba.

Malpractice po ba yun kung hindi nagawa ng Surgeon (A) ang dapat nyang gawin? (Hindi nya po natanggal ang bukol) kahit po kumpleto naman ng test bago ang procedure?

Dahil po sa hindi pag alis ni Surgeon (A) sa bukol na supposedly ay aalisin nya, nakadalawa pong opera ang mother ko. Naging tatlo pa dahil dun sa itinapal nya.

Ano po kaya ang pwede naming gawin dahil tingin po namin ay may maling ginawa si Surgeon (A). Gusto po naming managot sya dahil bukod po sa laki ng gastos (halos 1M) na inabot namin ay sobrang hirap po ng dinanas ng magulang ko na hanggang ngayon po ay nagpapagaling ng tahi nya. Ngunit natatakot kami na baka walang kahantungan kung magrereklamo kami dahil doctor sya and he can work around with this.

Salamat po ng marami at sana ay matulungan nyo kami.

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum