May pananagutan po ba ang taong hindi tumugon sa pangangailangang dalhin sa pagamutan ang taong nahihirapang huminga lalo pa at mag-ama ang relasyon nila, at sa halip ay hinadlangan pa ng anak ang mga apo upang huwag itong madala sa pagamutan?
May pananagutan po ba ang hilot o therapist sa ginawa nitong paghilot o pagmasahe sa taong nahihirapang huminga, sa halip na dalhin ang pasyente niya sa ospital?
May karapatan ba ako bilang anak ng nasawi na maghanap ng katarungan tungkol sa nangyaring kapabayaan sa aking ama?
Pakibanggit po ng reference o ng maaari kong ikaso kung maaari. Maraming salamat po!