Nag-apply po kasi ako sa isang private school as teacher noong May 2, 2017 at pumirma ng kontrata sa kanila good for 1 year noong May 19, 2017. Nakalagay po sa kontrata na sa June 15 ang effectivity ng contract.
Nung May 29, 2017, lumabas ang result ng mga pumasa sa public school bilang public school teacher na nag-apply noong February-March 2017. That result was released by Deped. Unexpectedly natanggap po ako as public school teacher.
Noong May 30, 2017, nagresign po ako sa private school na inaplayan ko and sabi sakin ng principal ay magbabayad daw po ako ng 50,000 pesos dahil sa Breach of Contract. Nakasulat po kasi sa contract na kapag umalis during the effectivity of the contract from June 15, 2017- March 30, 2018, ay magbabayad ka ng 50,000 pesos for damage. Sinabi ko po sa kanya na, "Bakit po ako magbabayad ng 50,000 pesos eh sa June 15 pa naman po ang effectivity ng contract." Reply nya sakin ay, "Kasi nakapirma kana sa contract at nasubmit na namin sa aming lawyer pra matatakan. Once na makapirma ka, khit sa June 15, 2017 pa ang effectivity ay magbabayad ka na khit na magresign ka before the effectivity ng contract."
Ang tanong ko po ay, magbabayad po ba talaga ako ng 50,000 pesos? Nagresign po ako before magsimula ang effectivity ng contract, noong May 30, 2017.
At kung may breach of contract po talaga dito at need ko magbayad ng 50,000 pesos ay, pwede pa po ba itong macounter or magawan pa po ng paraan by the use of law and legal documents bukod sa personal agreement ng both parties para hindi na po ako magbayad or at lease mabawasan ang aking babayaran?