Si Arman po ay may kinakasama na si Verna. Si Arman at si Verna ay may kanya-kanyang mga legal na asawa. Nung nagsasama pa sila sinabihan siya ni Verna na ipangalan kay Verna ang property o lupa na pinagtayuan nila ng bahay. Ang Lupa ay binili ni Arman kay Joel, na binili din ang lupa kay Myrna. Ang Titulo ay nkapangalan pa rin kay Myrna.
So, ung Deed of Sale between Arman and Joel ay nakapangalan kay Verna. Pero ang nagbayad ay si Arman. Ang nakalagay sa Deed of Sale ay Verna/by Arman. Nung pinagawa ni Arman yung Deed of Sale ay wala si Verna.
Ngayon nagkahiwalay si Arman at Verna. Si Verna ay may kopya ng Deed of Sale from Joel. At nagpagawa uli sya ng isa pang Deed of Sale from the original owner na si Myrna. Dahil kakilala ni Arman si Myrna sinabihan nya ito i-hold ang transaction dahil may problema nga ang lupa.
Gusto ni Arman na ipagawa na ang TCT at ilagay ito sa pangalan nya. Ano ang the best na pwede gawin. Pwede ba pabago yung Deed of Sale from Joel? or i-revoke un? Ano po and process? pls advice. Tnx.