Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Regularization & Issuance of Certificate of employment

Go down  Message [Page 1 of 1]

mariapeninsula123


Arresto Menor

Good morning, nagexceed na kami sa probationary period namin which is 6 months, naevaluate na po kami pero wala pa po kaming contract at wala padin pong benefits sa company, kahit po yung mga co-employee namin mag-wa-1 year na po sila, and still wala parin silang contract at hindi pa din sila regular, no increase in wages nor benefits.
Regular na po ba kami nun o probationary pa din?

Yung about naman po sa COE, yung kawork ko po kase nasa probationary period din, so nung inevaluate po siya hindi niya alam na hindi po pala siya pasado dun, so bigla daw po siyang pinatawag sa office ng general manager and then bigla nlang po siya pinagawa ng resignation letter, so nagulat pa siya that time, dahil talagang biglaan. Okay lang po ba na walang notice na bagsak pala siya sa evaluation and biglaan lang po siya na pinagawa ng resignation? After that incident po, humingi na po siya ng COE, and then ayaw po siyang bigyan, pinapapirma pa po siya ng 3 mos na contract, so wala po siyang nagawa kundi pumirma, para po marelease yung COE nya, (kelangan po kase niya yung COE para po makapagenroll sa school), and ngayon po, humihingi po siya ulit ng COE, pero ayaw na po siyang bigyan ng General Manager, after 2 mos daw po ulit siya magrequest. Maari po bang hindi magissue ng COE ang company, may request letter pa nga po siyang ipinasa eh.

Sana po ay mabigyan niyo kami ng legal advise, first job po kasi namin ito, kaya hindi po namin alam yung gagawin namin. Thank you. Godbless.

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum