Regular na po ba kami nun o probationary pa din?
Yung about naman po sa COE, yung kawork ko po kase nasa probationary period din, so nung inevaluate po siya hindi niya alam na hindi po pala siya pasado dun, so bigla daw po siyang pinatawag sa office ng general manager and then bigla nlang po siya pinagawa ng resignation letter, so nagulat pa siya that time, dahil talagang biglaan. Okay lang po ba na walang notice na bagsak pala siya sa evaluation and biglaan lang po siya na pinagawa ng resignation? After that incident po, humingi na po siya ng COE, and then ayaw po siyang bigyan, pinapapirma pa po siya ng 3 mos na contract, so wala po siyang nagawa kundi pumirma, para po marelease yung COE nya, (kelangan po kase niya yung COE para po makapagenroll sa school), and ngayon po, humihingi po siya ulit ng COE, pero ayaw na po siyang bigyan ng General Manager, after 2 mos daw po ulit siya magrequest. Maari po bang hindi magissue ng COE ang company, may request letter pa nga po siyang ipinasa eh.
Sana po ay mabigyan niyo kami ng legal advise, first job po kasi namin ito, kaya hindi po namin alam yung gagawin namin. Thank you. Godbless.