Magandang Araw Po!
Gusto ko lang po malaman kung ano po ang dapat kong gawin para ma-isettle po namin ng partner ko ang sitwasyo namin.
May partner po ako at may apat po kaming anak, (ages 16,15,14 and 11) umalis po sya ng bahay 6 years ago,hindi po sya nagpakita ng halos 5months after po nun nagpakita po sya at nagstart na magbigay ng pera sa akin ng kung magkano lang ang ibigay nya,pumayag po ako kaysa po wla, hangang sa ganun na po ang nangyayari hangang umabot ng apat na taon,tapos po nalaman ko sa isang kaibigan na may kinakasama na po sya iba at may anak na po sila. Pumapayag po ako dati na kahit magkano lang po ang ibigay nya kasi akala ko po maliit lang po talaga ang kinikita nya pero nalaman ko po na kumikita po sya ng halos 30,000.00 kada buwan samantalang ang naibibigay nya lang po sa akin pra sa mga anak ko eh malaki na po yung 4,000.00 isang beses isang buwan. Pero masabi ko na rin po sa inyo na pinoprovide po nya yung healthcard ng mga bata galing sa company nya at yung rice subsidy at nakatira po kami ng mga anak ko sa puder ng mga magulang nya. Tanong ko lang po, ngayon po na alam ko na may kinakasama na po siyang iba at nagkaanak na din po sya doon maaari po ba akong magdemand ng sapat na sustento para sa apat kong anak. may work po ako pero sumasahod lang po ako ng 10,000.00 kada buwan, sobrang hirap na po ako talaga. Nagtry po akong kausapin sya about sa sustento at ang sabi nya po kung ano lang daw po ang ibinibigay nya eh dapat na lang po akong magpsalamat at nung minsan naman po na nabangit ko na hihingi ako ng tulong sa barangay at kinauukulan about sa sustento ng mga bata eh tinakot nya po ako na magpapakasal daw po sya sa kinakasama nya at lalo daw po mawawalan ang mga anak ko.
Ano po ba ang dapat kong gawin,natatakot po ako na lalo akong mahirapan sa pagpapaaral ng mga anak ko.
Marami pong salamat!