i need legal help po sana. last year august 24, binangga ng isang lasing na driver ng jeep ang aming private used tricycle. napingsala po ng lubos ang aking tatay at ang aking kapatid, kasama ang kanyang 2 pang katrabaho na sakay din ng gabing yon. iniwan po ng driver ng jeep ang sasakyan nya sa lugar ng aksidente at tinakbuhan po ang mga nasaktan. umusad po ang kaso, pero dahil sa hindi po agad naibigay ang hinihingi ng piskal na medico-legal nagkahiwa-hiwalay ang proceedings ng 4 na kaso. ung nauna po ay ung driving under the influence of alcohol at slight physical injury dun sa isang katrabaho ng kapatid ko. ung amin po ang 2nd na naisampa. multiple serious physical injury at damage to property. nahuli pa po ung isa for another serious physical injury. ung kaso po namin ay nag-proceed to mediation. wala po kaming abogado kundi ung piskal, sya po sa PAO. ang sinasabi po ng mediator. might as well kuhanin na namin kung anu man ang maii-ofer samin nung driver dahil kahit manalo naman daw po kami sa kaso, at utusan sya magbayad wla naman daw po kaming magagawa kung ayaw magbayad nung tao pati narin kung wla naman syang ari-arian na makukuha kami, sabi po hanggang 6-12 months lang naman ang pwede nyang pagkakulong. sabi nman po nung driver kahit ung jeep nya ay alinlangan pa nyang ibayad samin kasi para din daw po sa iba pang nasaktan at para may mapag-simulan ung pamilya nya. ang amin pong ngastos ay humigit kumulang 1milyong piso. ang amin pong utang ay hindi bababa sa 700thousand pesos. talaga po kayang halos wla ng pag-asa ang aming kaso at maging kung makulong man sya at utusang magbayad ay wla naman po kaming magagawa kung ayaw nyang magbayad??..at hanggang 6-12months lang talga sya makukulong kung sakali? sya pa kasi ang may lakas ng loob at parang kumpyansa na wlang mangyayari sa pinaglalaban namin..
tulungan nyo po sana kami..salamat po.