Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

RECKLESS IMPRUDENCE RESULTING TO MULTIPLE PHYSICAL INJURIES

Go down  Message [Page 1 of 1]

gemini06


Arresto Menor

Hi, May RIRI Criminal case po na naka file against me ang insidente po ay nangyari noong May 2010. Mayroon na pong summary procedure at kung hindi ako magkamali ay nasa MTC na po ang kaso. Nakatanggap ako ng sulat from MTC advising me to file a counter affidavit nakasaad din po ang araw ng arraignment sa isa pang sulat na nareceive ko. Immediately nag file po ako ng counter affidavit with the help of lawyers.

Ang insedente po ay nag overtake ako sa 3 tricyles ahead of me kasi nga wala naman akong kasalubong sa halos abot ng aking tanaw on the opposite lane. Ang usual na ginagawa ko pag nag overtake ay bumubusina ako ng twice or thrice just to warn the moving vehicles in front of me. Nalampasan ko po ang dalawang tricycle at ng dumating sa pangatlo ay bigla itong nag swerve to the left without sign or warning despite na bumusina ako ahead of him. Nabangga ko po ang driver sa unahan na naging dahilan ng pagka injure ng kanyang paa tapos yun isang pasahero sa likod ay nasabit yun hita na naging sanhi ng kanyang pagkasugat, yun naman pong dalawa tumalon sa palabas ng tricycle kaya nabarog sila sa kalye.

Hindi po ako tumatakbo sa responsibility despite na wala pong license yun driver ng tricycle at hindi po sa kanyang pangalan nakareshistro ang tricycle na kanyang dinadala. Katunayan po ay binayaran ko ang lahat ng gamot na kanilang ginastos on the first week of medications. Gusto ko lamang po na daanin sa legal ang lahat yun bang ganapin ang settlement inside the court not in the police station.

Ang tanong ko po ay ito:

1. Ako po ay isang OFW at posibleng hindi po ako makarating sa arraignment date na ini schedule ng Korte. Tama po ba na papuntahin ko na lamang ang aking kapatid together with the lawyer para irepresent nila ako sa korte?

2. On my counter affidavit sinabi ko doon na walang license yun driver ng tricycle, nasabi ko po iyan sapagkat sa police report ay walang drivers license na nakalagay ang complainant ang sabi niya po ay tumalsik daw ang kanyang wallet kaya wala siyang license na ma present. Tama po ba na siya ay mag demanda kahit wala siyang license?

3. Ayon po sa BATAS PAMBANSA BILANG 398 Sec 19. It is unlawful for any person to drive a motor vehicle without having in his possesion a valid license to drive the motor vehicle. Pede ko bang gamitin itong grounds para madismiss yun kaso ko? Isa pa po ang kanyang tricycle ay walang side mirror at parang hindi po siya marunong gumamit ng warning device ng mga drivers.

4. Sa sworn statement po nila puro mali ang kanilang sinasabi kesyo meron daw sumuot sa ilalim ng sasakyan gayong wala naman lahat sila ay nasa tricycle except yun dalawang tumalon. Alam ko po yan dahil wala po kaming injury ng aking mga pasahero. Kakatigan po ba sila ng huwes kahit mali ang kanilang mga salaysay?

5. Kami po ay biktima din hindi nga lang kami nakapag file ng counter charge kasi nga 10 days after the incident ay babalik na po kami ng aking pamilya sa bansa na pinagtatarbahuhan ko.

2RECKLESS IMPRUDENCE RESULTING TO MULTIPLE PHYSICAL INJURIES Empty Answer Please Sat Jun 16, 2012 8:06 pm

gemini06


Arresto Menor

Wala bang gustong sumagot? Parang sa Pinas lang kasi madalas may crime na RIRI sa ibang bansa mostly civil.

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum