Just a brief background po kung anong nangyari, yung asawa ko eh nakabangga dahil napapikit sya sa sobrang antok at pagod from work and he admitted that sa police station. Yung guy po na nabangga eh sinugod naman sa hospital at yung asawa ko ang nagbayad ng expenses. Pero after that day hindi na po sila nagkita at napag-usapan nila na babayaran na lang yung mga nagastos sa pagpapagamot. According dun sa doctor daw nya eh napunit yun litid nya so he would need a number of therapies. The guy was texting him para samahan pa sya para magpagamot and also asking kung kelan nya pwedeng i-deposit yung pera sa account nya. They were initially asking for about 60K to cover all the expenses including those na walang resibo kasi na-cover ng health card nya. Pwede po ba yun? Hindi po ba parang double insurance yun? They met 2x para i-try i-settle to pero we think they were asking too much. Now, it's already in court.