Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Motorcycle Accident w/ 3rd Party

Go down  Message [Page 1 of 1]

1Motorcycle Accident w/ 3rd Party Empty Motorcycle Accident w/ 3rd Party Mon Apr 24, 2017 1:42 pm

sheriejoy


Arresto Menor

Hello po. Pahingi naman po ng legal advise.
A week ago papasok kami ng asawa ko sa trabaho ng 5am. Naka motor po kami. Sa may hi-way po biglang may sumulpot na bata. (Konting lagpas lang sa overpass at malayo pa sa susunod na pedestrian lane. Hindi po talaga tawiran ng tao yun kasi may barikada pa na mga simentadong harang.) Tinamaan po namin yung bata. Nag ka open fracture ang paa. Pinaoperahan po namin sya, kinailangan pa bumili ng bakal para sa paa worth 35k. On top of that andaming gamot na kailangan. On that same day, napaoperahan namin sya.


Ngayon po, nakalabas na yung bata pero continuous pa din ang check up dahil after nung bakal sa paa, papalitan pa yun ng simento pag may part na yung buto na magdikit.

Tuloy tuloy pa din naman po ang tulong namin sa kanila sa gamot ng bata.

Kaso, yung nanay po ng bata ang gusto pati yung pang araw-araw nila samin namin manggaling. Tindera kasi sila sa palengke, at hindi daw sya makapagtinda dahil nagbabantay sa bata.
At sa pasukan, gusto nung nanay kami ang magbabayad ng service ng bata. At pag nagttxt o tumatawag yung nanay ng bata palaging urgent gusto may sagot agad o pupuntahan agad sila. May time na nagiwan na lang ako pera sa kanila, pero hindi ko na inulit kasi hindi naman pinambili ng gamot.

Pahingi naman po ng legal advise kung hanggan saan lang ba ang dapat namin itulong sa kanila.

At, may laban ba kami if ever mag demanda pa sila kasi the main reason bakit na sa maling tawiran ang bata ng 5am ay inutusan sya ng nanay nya na tumawid at bumili sa kabila ng hiway. Samantalang dapat na sa eskwelahan ang bata ng panahon na iyon.

Nahihirapan na po kasi kami, yung asawa ko po may bali din. Hindi ko na ma pa ospital dahil wala na kaming budget. Baon na kami sa utang. At hindi makapag trabaho ang assawa ko. May baby pa kaming anak na madami din pangangailangan.

Madami din damage/perwisyo naidulot samin ng pangyayaring iyon. May laban po ba kami? O hanggan saan lang ang dapat namin itulong sa kanila?? salamat po

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum