Dumating ang ikatlong linggo,tumawag ako sa kanya at pagmamayabang niyang sinabi na nakausap na niya ang abogado niya at magdemanda na lang ako dahil hindi daw siya ang may kasalanan sa pagkakabangga sa akin.naidemanda na niya ang driver ng vios at kung sino daw ang matalo dun ako maghabol.Sa bagal daw ng batas natin dito sa bansa matatagalan bago ko makuha ang kapalit na motor ko at mapeperwisyo lang daw ako kapag itinuloy ko dahil hindi ko kakayanin ang magbayad ng abogado.
Sa ngayon naifile ko na ang demanda sa quezon city hall of justice at nag-aantay nalang ako ng patawag.Tanong ko lang MATATAGALAN BA TALAGA ANG GANITONG KASO? MAY PAG-ASA BA AKO MANALO? PUWEDE PA BA SIYA INQUEST DAHIL SA HINDI NIYA PAGSUNOD SA KASUNDUAN? mahirap lang kami at ang motor ko ang gamit ko pangtrabaho.TAMA BA ANG DESISYON KO?
Last edited by reyngel on Wed Feb 12, 2014 12:29 am; edited 1 time in total (Reason for editing : WRONG SPELLING)