Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Motorcycle accident

Go down  Message [Page 1 of 1]

1Motorcycle accident Empty Motorcycle accident Mon Mar 10, 2014 11:59 am

pacoy


Arresto Menor

Good morning po!

Meron lang po akong list of questions.

Ito po ang situation:
Na-involve po sa motorcycle accident ang kuya and hipag ko ng Sunday afternoon noon. Nabangga po nila ang 70 year-old na babae. Na-detain po ang kuya ko and diniretso naman po sa hospital yung matanda at hipag ko nung araw din na yun. Nakalabas po ang kuya ko ng Tuesday evening kasi hinintay pa po nila ang mga anak ng matanda na pumunta sa presinto at magkaron sila ng kasulatan na sasagutin ng kuya ko ang hospitalization at mga gamot hanggang gumaling. After po nun, dumeretso narin po sa ospital ang kuya ko para magpagamot. A day later, bumalek na po ang kuya ko at asawa niya sa work. Ang matanda po ay nag-stay sa hospital habang tumutulong po sa pagbabantay ang mama ko sa matanda. After 9 days, in-allow ng doctors na makauwi na ang matanda. Binayaran po namen ng buo ang lahat ng hospital bill. Pinupuntahan po ng kuya ko at asawa niya ang matanda para kumustahin. After 7 days, namatay po ang matanda dahil sa cardiac arrest.

Ito po ang mga katanungan ko:
1. Nasa possession po ng mga anak ng matanda ang motor po ng kuya ko kasama ang OR and CR. Hindi po nila ibinigay sa kuya ko dahil baka hindi daw po tuparin ng kuya ko ang usapan na sasagutin ang gamot hanggang gumaleng. Nakikiusap ang kuya ko nuon sa mga anak na ibalek na sa kaniya ang motor para ma-asikaso niya ang insurance para makatulong sa pagpapagamot ng matanda. Hanggang ngayon po, nasa kanila paren ang motor kahit patay na ang matanda.

May way po ba na makuha namen ang motor ng kuya ko para maasikaso din po ang insurance kasi inutang lang din namen yung pambayad sa hospital.

2.  Bale po may kaso na pong isinampa Reckless Imprudence resulting to Homicide.

Mag-prosper po ba ang kaso knowing na namatay ang matanda sa cardiac arrest and 9 days after makalabas ng ospital?

Anu po ang susunod na mangyayari since na-file na po ang kaso? Wala po kasi kami alam sa procedures ng court.


3. Pumunta po ang mga anak ng matanda sa bahay po namen 3days after mamatay ng matanda. Isosoli po nila ang motor pero dapat magbigay daw po kami ng P70,000. Nagkaron po sila ng usapan sa barangay namen. Sinabi po ng mama ko na wala na kame mailalabas na pera dahil binabayaran pa po namen ang mga nagastos namen sa hospitalization ng matanda.

May right po ba sila manghingi ng pera pa sa amin?


3. Ano po ang laban ng kuya ko sa sitwasyong ito?

**Lahat po ng hospital receipts ay nasa possession po ng kuya ko.


Malugod ko pong ikagagalak ang pagsagot niyu. Maraming salamat!

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum