Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Biological father nalaman after DNA test

2 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

1Biological father nalaman after DNA test Empty Biological father nalaman after DNA test Sat Apr 22, 2017 2:21 pm

Olaf_8


Arresto Menor

Ang problem ko po kasi tungkol sa custody ng bata. Yung son ko ang surname na gamit ay sa fiance ko pero nalaman namin na hindi siya ang biological father after ng dna test na nirequest ng ex ko. Kay fiance walang problema mahal nya ang bata so as is na pinapagamit parin ang surname ni Fiance. Ngayon mag mamigrate kami sa ibang bansa ang sabi sa embassy maiiwan ang bata since hindi dumaan sa legal adoption at hindi si F ang biological father. Ang mangyayari iwan ang bata at ako ang mag pepetition. Yung ex ko gusto sa kanya maiwan ang bata ayoko naman dahil may pamilya na sya at baka hindi na ibalik. Ilalaban niya daw ang karapatan niya. Ano po kaya ang maganda gawin? Sana po matulunga nyo po ako. Salamat

xtianjames


Reclusion Perpetua

Kung di kayo kasal visitation rights lang ang meron ang ex mo. minor pa ba ang anak mo?

Olaf_8


Arresto Menor

Hindi ako kasal at hindi rin naka apilyedo sa biological fatherang bata. Ang worry ko lang po kung nasa ibang bansa ako dahil ikakasal ako maiiwan ang bata. Paano pag pumunta sa bahay ang biological father at kunin ang bata? Ppwede ba mapunta ho sa kanya ang custody dahil wala ako? Kukuhanin ko naman ang bata as soon as possible na pwede ko na sya ipetition.

xtianjames


Reclusion Perpetua

regardless kung di naka apelyido sa kanya yung bata, kung sinusuportahan nya naman to eh considered na yun na pagkilala na sya ang ama.
hindi nya pwedeng kunin yung bata nang walang permiso mo since pwede mo sya report sa dswd. para mapunta sa kanya ang custody ng anak nyo eh kailangan to dumaan sa korte at patunayan na unfit ka na maging ina. hindi enough na basehan na ofw ka para alisin sayo ang custody ng bata.

Olaf_8


Arresto Menor

@xtianjames sir mag mimigrate po ako abroad with my fiance since may problema po sa surname ng anak ko dahil surname ni fiance ang gamit ng bata. Maiiwan pasamantala ang bata sa parents ko, just incase gustuhin po ng biological father na kunin ang bata dahil wala ako sa pilipinas pwede ba ho iyon? Grounds na ho ba iyon na unfit sa pagiging ina dahil nag migrate ako sa ibang bansa. O itatago ko nalang ang bata sa probinsya para hindi na makita ng biological father habang hindi ko pa pwede ma petition ang bata? Maraming salamat po sir xtianjames.

xtianjames


Reclusion Perpetua

tulad ng sabi ko, since illegitimate ang anak nyo. sayo ang sole custody ng anak nyo. hindi basehan na porke napatunayan through DNA test na sya ang totoong tatay ay pwede ng mapasakanya ang custody ng anak nyo kahit pa nasa abroad ka. ang karapatan lang nya ay visitation rights. kung itatago mo ang anak mo at ipagkakait na madalaw sya ng tatay nya ay ikaw ang liable na makasuhan. kung tatangayin naman nya ang anak nyo ng wala mong pahintulot ay pwede mo sya ireport ng kidnapping. ipaliwanag mo na lang sa ex mo yung desisyon mo at inform mo sya na pwede naman nyang dalawin ang anak nyo pero yung custody is kung kanino mo man ibibigay (in the mean time na inaasikaso mo pa ang pagpetition sa anak mo) at wala sya magagawa dun kahit pa magsampa sya ng kaso since ang karapatan nya lang is visitation rights.

Olaf_8


Arresto Menor

Nalinawan na ako. Maraming marami salamat po.😊

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum