Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

child support and custody

+4
askngallyxndria
maycristina
xtianjames
eniretach
8 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

1child support and custody Empty child support and custody Sat Apr 15, 2017 7:08 am

eniretach


Arresto Menor

atty good day po...
atty need an advice. atty my boyfriend po ako at may anak kmi 5years old andto po ako sa manila at nagtatrabaho,cla po na sa province at nalaman ko po na may other girl tung boyfriend ko po so ngayon po nakikipaghiwalay po ako sa kanya..ang gusto ko lng ngayon po ay ang sustento nya pra sa anak namin,sakin mapupunta ang custody ng bata....pwde ko po ba sampahan ng kaso kahit hndi kmi kasal???at pagbawalan na makita ang anak namin????? at kanino pwdeng lumapit pra sa sustento na cguradong bibigyan nya ang anak namin, thank you po..

2child support and custody Empty Re: child support and custody Sun Apr 16, 2017 12:46 pm

xtianjames


Reclusion Perpetua

Pwede mong kasuhan ang BF mo kahit di kayo kasal para sa sustento ng bata. Lapit ka PAO kung indigent ka or hire a lawyer kung hindi. hindi mo pwedeng ipagkait na Makita ng tatay nya ang anak mo since karapatan nya yun.

3child support and custody Empty Re: child support and custody Mon Apr 17, 2017 8:54 am

maycristina


Arresto Menor

Good day po!

May MOA na po kami ng husband ko na magbibigay sya ng 25k monthly. Nun Dec 2016 nagbakasyon po sya dto sa Pinas. March 2017 po nakabalik sya sa Saudi pero hndi n po sya nagpadala ng sustento namin. Sabi nya malalaki na dw mga anak namin. Khit dw idemanda ko n lng sya, hndi n daw sya magbibigay ng sustento.

Kasal po kami. 2 po anak namin, 26 years old, babae at kasalukuyang nag PhD sa Korea, Samsung scholar. 22 years old po un bunsong lalaki, kakagraduate lng sa kursong Elementary Educ nitong Apr 2017.

2005 nun malaman ko n may kabit sya. May 2 anak n po sya dun s kabit nya.

Jan 2015 po kinasuhan ko sya ng RA9262, pero iniurong ko nun magbigay na sya ng sustento nya. Ano po ba ang nararapat kong gawin?

Pkitulungan po ninyo ako na makahanap ng abugadong tutulong sa aming mag iina.

Maraming salamat po!

Maria Cristina Y. Macalino
Imus, Cavite

4child support and custody Empty Re: child support and custody Mon Apr 17, 2017 3:56 pm

xtianjames


Reclusion Perpetua

Kung sustento ang habol mo, tama yung mister mo kasi sa batas (if memory serves me right) eh hanggang 18 y/o lang ang dapat sustentuhan unless nagaaral kaso yung nagaaral nyong anak ay 26 na so di ako sure if papanigan kayo ng korte dito.
since matagal mo ng alam na may kabit yung asawa mo, di mo na sya pwedeng kasuhan unless pinakasalan nya yung babae nya.

5child support and custody Empty Child support & Custody Mon Apr 17, 2017 7:19 pm

askngallyxndria


Arresto Menor

Magandang gabi po! Gusto ko lang po humingi ng advice tungkol sa kung anong pwede naming maging laban ng asawa ko sa ina ng una niyang anak.

Ganito po kasi ang sitwasyon, bago ko pa man po maging asawa ang asawa ko ngayon ay may nauna na siyang babaeng naanakan ngunit hindi sila kasal at hindi rin sila nagsama ng matagal. Pagkanganak po ng babae ay kinuha na po siya ng nanay niya. Ngunit bago po iyon ay ang magulang ng asawa ko ang gumastos ng lahat sa pagpapanganak nung babae at pinautang pa ng magulang ng asawa ko ang magulang nung babae tsaka po sila umalis at hindi na nagparamdam. Hanggang sa malaman nalang po ng asawa ko na may kinakasama nang iba yung babae at kinasal po sila nung bagong lalaki. Ngayon po ay yung anak nila ng asawa ko ay pitong taon na. Hindi po nakapag sustento ang asawa ko sa anak niya doon sa babae sa kadahilanang wala siyang permanenteng trabaho noon at hindi din naman niya madalas na nakikita ang bata kaya wala siyang balita dito. Ngunit ngayon po ay biglaang nagparamdam ang babae at nanghihingi na ng sustento at nananakot pa na kung babalewalain namin ang sinasabi niya ay tiyak na di magiging maayos ang lahat. In short, manggugulo siya. Hindi pa po kami kasal ng asawa ko ngayon ngunit kami ay kasalukuyang nag aasikaso na ng pagpapakasal para sa buwan ng Mayo. At ngayon po, ako po ay pitong buwan nang buntis. So talagang marami po kami pagkakagastusan ngayon. Wala naman din po akong trabaho ngayon at provincial rate lang ang sinasahod ng aking asawa kaya naman talagang gipit na gipit kami. Ngunit sadyang sinasamantala ng babae ang panahon ngayon na nakikisabay siya sa mga problema namin ng asawa ko. Wala manlang konsiderasyon na ipagpaliban muna ang paghingi ng sustento sa asawa ko para lamang makaraos kami sa mga dadating na pagkakagastusan namin. Aware po kami sa karapatan ng bata sa sustento ng asawa ko at wala naman po kaming balak na talikuran ang responsibilidad na yun ngunit paano po kung hindi naman po talaga kaya sa ngayon na makapag sustento ng asawa ko? Ano po ang dapat naming gawin kung sakaling ipagpilitan ng babae ang paghingi ng sustento? Yung babae po ay may trabaho, pati narin po ang asawa nito ay may trabaho ngunit ang hinihiling nila na sustento ay para sa pangbayad ng mag aalaga sa bata habang sila ay pumapasok sa trabaho. Kung sakali po na hindi kami makapagbigay ng sustento, maaari po ba naming kunin nalang ang bata sa custody ng babae? May laban po ba kami kung ganun ang aming gagawin? Ano po ang mga karapatan na meron kami upang maipaglaban ang side namin?

Yun lamang po. Sana po matulungan niyo po ako.
Maraming Salamat po!

6child support and custody Empty Re: child support and custody Mon Apr 17, 2017 7:50 pm

xtianjames


Reclusion Perpetua

kung ang idadahilan lang ay ang walang magaalaga, pwede nyo try ialok yan suggestion nyo since kung tutuusin ay parehas makukuha ng magkabilang partido ang mga gusto nila.

anyway, regarding naman sa sustento, base ito sa kapasidad ng magulang at pangangailangan ng bata. kahit ireklamo ang kinakasama mo as long as mapapakita nya na wala naman talaga syang kapasidad sa ngayon ay baka pagawain na lang sila ng kasunduan sa arrangement ng sustento.

7child support and custody Empty Re: child support and custody Mon Apr 17, 2017 9:14 pm

Btb


Arresto Menor

Hi, how about the rights of a man or the father of the illigitimate child from unscrupulous demand of the mother of his illigitimate child?

8child support and custody Empty Re: child support and custody Mon Apr 17, 2017 9:20 pm

Btb


Arresto Menor

Sir/ mam., ask ko lang po,, May right bang tumanggi ang husband ko sa amount of support na dinedemand ng nanay ng illigitimate na anak nya... Considering that they did not have any relationship, naanakan lang po nya yung Babae.. Nag dedemand ng 20k per month yung babae dahil daw seamn ang asawa ko, sinusuggest ko na kunin ang custody ng bata kung anak nya talaga..

9child support and custody Empty Re: child support and custody Mon Apr 17, 2017 9:20 pm

Btb


Arresto Menor

Sir/ mam., ask ko lang po,, May right bang tumanggi ang husband ko sa amount of support na dinedemand ng nanay ng illigitimate na anak nya... Considering that they did not have any relationship, naanakan lang po nya yung Babae.. Nag dedemand ng 20k per month yung babae dahil daw seamn ang asawa ko, sinusuggest ko na kunin ang custody ng bata kung anak nya talaga..

For your assistance pls. Salamat po!

10child support and custody Empty Re: child support and custody Tue Apr 18, 2017 1:29 am

leogurl


Arresto Menor

ang pagbibigay ng support sa illegitimate na anak e depende sa susuporta kung kaya niya ibigay yung demand ng babae at depende din sa gastos ng bata s isang buwan di naman siguro gagastos ang bata s isang buwan ng 20k kasi ung sa asawa ko ang binibigay lang namen sa illegitimate nyang anak e tuition at service sa school mismo kami nagbbyad may naanakan kasi asawa ko nun binata pa siya at nag pagawa kami ng kasunduan sa pao kahit sabihin nilang dito kami sa milan nakatira di kami pumayag na kami lahat magbibigay ng gastos ng bata kasi sabi ng abogado sa pao parehong magulang ay dapat susuporta s bata

11child support and custody Empty Child support and Custody Tue Apr 18, 2017 2:19 pm

jane_ish


Arresto Menor

Good afternoon po Atty! I am 16 weeks pregnant, yung tatay po ay isang seaman, actually, kadete palang siya at ngayon palang siya sasampa ng barko. I heard na under sa company policy nila ay isa sa grounds para di sila pasampahin kapag may babaeng naanakan sila at naghabol sa kanya. Currently, hindi na nagpapakita sakin ang ama ng bata, di na rin niya ako kinokontak. I am thinking kung ano ba magiging habol ko sa kanya lalo na isa siyang seaman at madali lang sa kanya na takasan ang responsibilidad niya. Kaya lang, di ko pa naipapanganak ang bata. Possible kaya na magsampa na ako ng kaso kahit na buntis palang ako if pwede may applicable na pwedeng isampa sa kanya?

Hoping for your reply.

Thanks po.



Last edited by jane_ish on Tue Apr 18, 2017 2:21 pm; edited 1 time in total (Reason for editing : Wrong grammar)

12child support and custody Empty Re: child support and custody Tue Apr 18, 2017 5:59 pm

xtianjames


Reclusion Perpetua

mahirap patunayan sa iba na yung naka anak sayo ang tatay ng dinadala mo kasi its just your word against his.

13child support and custody Empty Child Custody for the Father Wed Apr 26, 2017 6:01 am

stavver


Arresto Menor

Hello Atty.,

Need lang pong legal advice. I have 2 son's at hindi po kami kasal ng mother nila. Eldest is 5 years old and the bunso is 3 years old.

One day pagwi ko po galling work is wala na po sila at nalaman ko po na inuwi na po ng mother nya sa Laguna without ever telling me.

Try ko po sya contact and she confirmed via text message that ayaw nya nang wi at dun nalang daw sila ng mga bata. Tried to convince her to re-consider at pagusapan kung ano man ang hindi naming pagkakaunawaan.

Pwede po bang matawag na kidnapping un? balak ko narin po mag file ng full child custody ano po ba ang chance ko kung gagawin ko po ito? ano po ba ang pwede ko gawin para po mapasakin ang mga bata?

Thanks in advance.

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum