Yung husband po kasi ng sister ko nagwowork sa Taguig malayo sa place ng sister ko which is from Pangasinan. They have two kids (6 and 4 yrs old). Hindi po kasi nagpapadala ng allowance yung husband nya hindi din nagpaparamdam. Last night nakausap sya ng ate ko and sa inis ng ate ko nasabi nya na wag na syang uuwi ng bahay kung di lang din sya magpaparamdam. Ang response lang ng husband nya "mas okay kung ganun"
In their past experience po as a married couple, ilang beses na po nambabae yung bayaw ko. And sa 8 yrs nilang pagsasama, yung sister ko po ang nagwowork at sa bahay lang ang bayaw ko. Now lang sya nakapagwork ng matagal.
Ask lang po namin kung anong legal action ang pwedeng gawin para maobliga yung bayaw ko na bigyan ng sustento yung mga pamangkin ko?
Ayaw na din po kasi makasama ng ate ko yung husband nya dahil nga nakakailang ulit na ganun ginagawa ng asawa nya pag nagkakawork ito.
At kung hindi man pumayag ang bayag ko sa sustento, ano po pwede gawin para hindi nya makuha o malapitan ang mga bata?
Looking forward po sa response nyo.