Kami po ay 6 n magkkpatid sa nnay at Tatay ko. Sept 2015 ng malaman PO naming may kabet ang Tatay ko at may 5 yrs old n anak. Syempre PO nagalit Ang nanay ko at ngsampa ng kasong concubinage sa Tatay ko. Sa galit ng Tatay ko ay sinugod nya PO kami ng may dalang baril sa bahay pero naawat po ng kapitbhay. Dahil PO dun ay nagsampa ng kaso Ang inay ng vawc. Dalawa po sa kapatid ko Ang sumama at kumampi sa taty ko samantalang kming apat ay ntira Kay inay. Patuloy sa pagpopost Ang kabet ng mga gala at maging ng mga bagay n binibili sa knya ng ttay ko. 22 lng ung kabet at Kung 5 taon n ung bata eh 17 p lng ung kabet ay sila n ng Tatay ko. Ibang iba PO Ang kabet n to. Sa halip n mtakot sa legal n asawa ay sya p Ang mtapang at binubulabog kming lahat at pinpdalhan ng mga pics at msg sa fb. Tinuloy ni nnay Ang demanda at mula noon ay ginipit na kami, kinuha Ang 10 apartmnt n pinapaupahan ng nanay ko. Feb 2016 nalaman PO namin n may sakit si inay sa kidney. Dinialysis sya kaya lalo PO kaming nagipit. Gusto ni nnay gumaling kaya usapan PO nila ng Tatay ko (verbal lang) ay ipagamot sya at ippakidney transplant at di n nya itutuloy Ang demanda. Ganun din ang pagpplipat ng ariarian nila sa Aming 6 na legal n Anak. Pumayag Ang ttay Kong ipagamot Ang inay pero di nya nilipat sa pangalan nmn ang mga titulo ng mga lupa at saskyan. Di namin sinisipot Ang mga hearing para ituloy ng ttay ko Ang sustento sa pagpapagamot ng nanay ko na sobrang Mahina na. Feb 2017 natransplant Ang inay ngunit s ksamaang palad ay ngkakomplikasyon sya at namatay nitong March 2017. Sa mismong araw n namtay Ang inay ay nagpopost n Ang kabet ng " our long wait is over". " Magppkasal n kmi" na sa tingin nmn ay possible dahil Ang Tatay ko at sunodsunuran sa kabet nya.
Kami pong anim n magkkpatid ay tapos n ng college pero wala pa lahat asawa. Ang sabi samin ng Tatay ko ay Kung di daw nmn ilalabas Ang mga titulo ay magpapalast will and testament daw po sya at bahala n kami magpaaffidavit of loss. Namatay PO Ang inay na naitago nya ung ibang titulo.
Kami po ay may kaya dahil may construction corporation PO kami pero Ang puhunan na pinagsimulan ng negosyo ay galing sa vested benefit ng nanay ko n nagtrabaho sa isang kumpnya ng 16 n taon pero napalago ng Tatay ko at hanggang ngaun ay kumikita ng malaki. May 7 PO kaming titulo nglupa 1.)bahay
2.)10 apartment
3.) Opisina
4.) Fabrication
5.) Farm ng manok n panabong
6) bakanteng lupa
7) lupa Sa isang resort sa laiya Batangas
Meron din PO kaming mga sasakyan
1) Toyota Corolla
2.) Mitsubishi Pajero
3.) Montero sports
4 ) bagong model ng Pajero
5.) Lumang 1300
6)bagong l300
7.) Boom truck
10 wheeler truck
9) container van
10) truck
11) dalawang bako
Buhay pa Ang inay ayaw nya PO tlgang ipangalan saming 6 ung mga properties na yan. Ngaun pong legal n at pede n silang magpakasal ng kabet nya ano pong mangyayari sa properties nilang magasawa? Ayaw PO naming 4 na ilast will And testament lang po yun dahil baka maagrabyado PO at mpapunta lng sa kabet at sa ànak sa labas Ang pinaghirapan nilang magasawa.
Ngaun PO bang patay na ang inay pwede po ba namin makuha Ang kalhati ng lahat ng iyan at maipangalan sa Aming legal n Anak para Ang ilast will and testament nya ay ung parte lng po ng Tatay ko? May makukuha b Ang kabet sa lahat ng yan pag sila ay kasal na?
Sana po ay matulungan nyo kmi sa mga tanong ko. Bawat kilos namin ay nalalaman ng Tatay ko kaya di ko n po Alam kung kaninong abogado pa po safe magtanong. Sana po mapglaanan nyo po ng panahon Ito. Marami pong slmat at pasensya n po Kung mahaba. Gusto ko lng po malinaw Ang buong story. Slmat po ulit.