Atty Patulong po,
TERMINATION:
Atty, na-terminate po ako. itanong ko po kung "valid" po ba ang termination nila sa akin dahil sa "late" ko po. unang notice ko po.dated September 5 2010.na late po ako ng "30 mins". pangalawa po at huling notice, dated Oct 4, 2010 dahil na late po ako ng "2 mins". after that terminated na po ako after a week. wala pong naganap na "hearing na kasama ang management at HR." valid po ba ito? unang notice: ang heading po e "verbal warning". considered "din" po ba ito as "written notice" to think "verbal warning" lang po ang "heading" ng notice. then yung pangalawa at huli e "Final Warning" ang heading agad. valid po ba ang ganitong proseso?
yung ibig sabihin po ba ng "hearing" sa "due process" e dapat po may "official body po na mag-investigate at mag-interview sa akin para malaman ang nangyari?" kasi po kung ganito, wala pong ganyang nangyari at hindi po ako nabigyan ng oportunidad na ma-depensahan ang sarili at maipakita ang mga katibayan. sapat na po ba ang "one-on-one meeting with the manager" as "hearing" and valid po for "due process"??? kaming dalawa lang po kasi ng manager ko ang nag-usap at may kasama dapat na HR manager to hear me pero ni isang beses hindi siya sumipot. valid po ba na ang manager ko ang nag-issue ng final warning sa akin at sya rin ang judge at the same time?? sabi po kasi nya sa termination letter ko na "kinonsulta" nya po sa "review group" ang nasabing final warning po sa akin. nagulat na lang po kasi ako isang araw na terminated na daw po ako at hindi man lang ako nakapag-depensa ng maayos dahil yung manager ko rin lang po ang kausap ko at siya rin ang irereklamo ko. may personal na galit po siya sa akin. diba "bad faith" po yun? unang issue nya po kasi ng last warning e tungkol sa tono ng pananalita ko "raw". pero pinalitan nya etong last warning na ito at tinanggal ang personal niyang reklamo ng "tardiness" ko nga po at binahiran pa ng kung anu anong kwento na wala namang basehan na solid. anong kaso po ito? malakas po ba kaso ko dito for "illegal dismissal"???
LAST PAY
Tapos na po ako sa clearance. may certificate na rin po ako na nakapag-clear na ako sa company pagkatapo nila na i-terminate ako. ngayon po, hinohold po ng manager ko yung last pay ko dahil may gusto daw po syang itanong. tama po ba ito? wala na po akong koneksyon sa kanya o sa kompanya matapos kong makapag-clearance sa kanila. kaya sa pagkakaalam ko po, may karapatan po akong tumanggi na makipag-usap sa kanila.may RIGHT po ba ang manager o company na i-HOLD ang LAST PAY sa ganitong sitwasyon??? ano po ang dapat kong gawin? kung sakaling kasuhan ko siya, ano po ang dapat???
Sana po matulungan niyo po ako. SALAMT PO and GODBLESS!