Magandang hapon po isa po akong sec officer sa isang agency nagkaroon po ako ng problema, siningil kmi ng aming liason officer at accounting tungkol sa loan ng SSS na hindi nabayaran (dilinquent). Binayaran ko pati ang iba naming kasamahan sa liason officer at sinabi na antayin ang post ng SSS na nabayaran na ito. Pagkaraan ng ilang linggo pinakita samin ang post ng SSS na bayad na ang SSS loan namin. Buwan ng Hulyo nag apply ako ng loan at ako ay pinayagan ng agency namin at nagkapag loan ako pati ang mga ksama ko na empleyado.
Nakaraang huwebes pinatawag ako ng agency nag issue ng memo tungkol sa loan ko sa SSS na agency ang nagbayad at kami ay pinag explain at sinuspinde ng 30 days at walang bayad. hindi namin alam na yung binayad namin sa accntg at liason officer na pera ay hindi ibinayad sa SSS kundi pera ng agency ang ibinayad nila sa SSS loan namin.
ako po ay humihingi sa inyo ng malaking tulong advice sa kadahilanan na hindi ko na po alam ang aking gagawin hindi ko alam na ganun ang ginawa samin kami po ba ay my pananagutan sa ginawa ng aming accntg at liason officer mayron po ba kaming laban sa agency.
Maraming maraming salamt po god bless