Single mom po ako , 4 po ang anak ko yung bunso pp nasa byenan ko. Naghiwalay po kami ng asawa ko 4 years ago kasal po kami . Ying bunsong anak ko po ay binigay ng asawa ko sa byenan ko since po nu g 3 months old po siya dahil hindi noya pa daw po kayang buhayin ang bata at inissuehan niya pp ako na sinaktan ko daw po ang baby kahot hindi at may testigo po ako sa issue na yun na hindi ko po sinaktan ang bata. Nagaway po kami dahil sa karelasyon noyang bakla. Dinala niya po ang bata sa kanila. Then after few weeks nagkaayos po kami pero hindi na niya sinama ang anak ko hanggang sa umabot nalang po na nag 7yrs old po ang anak ko at naghiwalay po kami. Naiwan po ang bata sa kanila, nangibang bansa po siya . Ang sabi po ng byenan ko kung kukunin ko na po ang bata pagusapan nalang po ng maayos. Nagtiwala po ako sa kanila. Naghanap po ako ng trabaho para po may maitusfos sa mga anak ko po na hindi naman sinusuportahan ng asawa ko. Last dec. Po kinausap ko po sila na hihiramin kp ang bata ayaw na nilang ipahiram hanggang sa binlock na po nila ako sa fb at hindi na po nila sinasagot ang mga tawag ko at text ko. Hindi din po nila bini igay ang exact address po nila para mapuntahan ko ang anak ko. Ang huling sinabi lang po nila sakin kausapin ko asawa ko which is nagasawa na po sa japan at wala na pong communication samin ng mga bata. Ano po ang gagawin ko para makuha ko ang anak ko? Ano po ang ikakaso ko sa byenan ko? May mga requirements pa po ba na titignan sakin para ibigay ang custody ng anak ko sakin? Ano ano po yun? Maraming salamat po. Tatanawin ko pong malaking utang na loob po ang pagsagot nyo po sakin. Maraming salamat pong muli. God bless po.