Binigyan po ako ng tiyahin ko (kung kanino nakapangalan ang deed of sale) ng kapirasong lupa (approx 20sq.m) sa share nya. Dahil dito, nagpatayo po ako ng bahay at 6 years na kameng naninirahan dito. Wala po kameng kasulatan kahit ano basta ang pinanghahawakan ko lng e ang pahintulot nya at ang pagbibigay nya ng kapirasong lupa sa akin. Binigay nya po sa akin iyo dahil siguro sa kabutihang loob ko sa kanya at ako ang kasamasama nya sa hirap at ginhawa. Hindi ko po siya iniwan at nakasuporta lage sa kanya kahit sa oras ng mga kagipitan niya. Dumating ang araw na nagkapera siya at napakaraming naging malapit sa kanya na kamag anak. Dahil siguro sa mga inggitan, nasira po kame ng asawa ko sa kanya at nagkaroon ng problema between sa akin at sa aking tiyahin dahil sa isang pangyayari na di sinasadya. Ngayon po, alam ko na ibinigay lang sa akin ang lupa ng walang katunayan at papeles pero maraming nakakaalam nito dahil sha mismo nagsasabi na binigay nya sa akin ang kapirasong lupa. Ano ang habol ko po sa bahay ko? kung bawiin nya man ang lupa dahil binigay nya lang, ano ang magagawa ko sa bahay ko na ginastusan ko ng malaking halaga? wala po ba akog pwedeng magawa para makabawi kahit papaano? Sana ay matugunan ninyo ang katanungan ko. Maraming salamat po at more power.