Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

kailangan ng payo

2 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

1kailangan ng payo Empty kailangan ng payo Sun Aug 09, 2015 5:20 am

insomnia


Arresto Menor

magandang umaga po. eto po yung storya ko. i got married kasi nabuntis ko po ang naging long distance gf ko. hindi po sana mangyayari ang kasal kung hindi kami pinilit ng mga magulang namin. ayaw nya din po sana, pareho naming alam na nagkakalabuan na kami pro naikasal pa rin po kami dahil sa impluwensya at takot. kahit papano ay ginustu naming mg.work ang aming relasyon, nagkaroon po kami ng 2 anak. pero alam naming kulang sa pagmamahal ang naging buhay namin, palagi kaming nag-aaway kung nasa bahay ako. naiinis ako sa tuwing nadadatnan ko ang mga anak ko na madudumi at siya naman ay nglalaro ng tong-its . may mga panahong ng.uusap kami sa hiwalayan pormal, madalas niya pong sabihin sa akin na handa na siyang magpirmahan kami. Nag plano na po talaga kami ng annulment. ako po ay nadestino sa malayung lugar kung saan nakilala ko ang isang babaeng marangal, mabait at single sa pamamagitan ng trabaho at mga kaibigan. ngpakilala po ako sa kanya bilang single at sinuyo ko po talaga siya hanggang sa naging kami. nagtiwala siya sa akin siguro po ay dahil sa kaibigan din naman nya ang ngpakilala sa amin. hindi ko po sinabing may asawa na ako. ganon din ang kaibigan namin. alam po ng mga kaibigan ko ang kalagayan ko. mahal ko po siya at masasabi kong siya ang soulmate ko, nabuntis ko po siya. huli na po ng malaman nya na may asawa na ako. ngayon po, nais ko po sanang i-pursue ang annulment., nagtanong po ako sa isang corporate lawyer na kaibigan ko at sinabi nya sa akin na pwede na dw mgrepresenta ang pao at kung hindi na man ay sa private lawyer sa mas mababang halaga. disedido na po ako sa annulment pero nitong nakaraang taon lang ay nalaman ng asawa ko sa pamamagitan ng isang love note at nagbanta siyang ipakukulong nya kami, at kung totoo ko raw mahal ang babae ko at sakaling kami ay magsama ay okay lang daw sa kanya pero may gagawin siya. dahil sa sinabi niya ay natakot ako para sa mahal ko. malaki ang kasalanan ko sa mahal ko at ayaw ko siyang mapahamak pa. kaya ang ginawa ko ay humingi ako ng tawad sa asawa ko at sinabing titigilan ko na ang babae huwag lng nyang gawin ang banta nya. alam ko pong mali pero isinama ko po sa lugar kng saan ako nakadestino ang mahal ko ng hindi nalalaman ng asawa ko. halos hindi na po ako umuuwi sa amin. balak ko po sanang simulan na ang annulment. pero natatakot po ako na baka mag.counter siya ng concubinage. alam ko pong qualified po talaga. maari po bang ako ay mg.file ng annulment. paxenxa na po at hindi gumagana ang question mark na button. may nabasa po ako na pwede kung ideklara na may psychological incapacity ako or kaming dalawa. pabago-bago po ang isip ng asawa ko, minsan okie na sa kanya mgpirmahan kami, paglipas na naman ng panahon ay hindi na naman., tinatakot nya rin po ako na baka may mangyaring masama. hindi ko na po siya maintindihan. ang ikinakatakot ko po ay baka mgcounter siya ng concubinage. maari po ba yun. nababahala ako sa mahal ko. ang alam ng asawa ko ay nabuntis ko ang babae at nagpakalayo. alam ko pong mali talaga pero nais ko pong damayan ang babaeng ito. gusto ko na pong harapin ang takot ko. paxenxa na po kayo sa akin, sana ay maintindihan nyo. maraming salamat po.

2kailangan ng payo Empty Re: kailangan ng payo Tue Aug 11, 2015 5:34 pm

Katrina288


Reclusion Perpetua

Hi,

Base sa sitwasyon mo, maaari kang makasuhan at ang kinakasama mo ng Concubinage kung mapapatunayan ng asawa mo na nagsasama kayo sa iisang bahay ng girlfriend mo. Kung wala siyang sapat na ebidensya dito, mahirap niyang mapaptunayan iyon.

Ngunit maaari kang makasuhan ng asawa mo ng paglabag sa RA 9262 (Anti-Violence Against Women and Their Children) kung may sapat siyang ebidensiya na may girlfriend ka.

Sa petition for declaration of nullity of marriage based on psychological incapacity, kailangan ay may sapat na ebidensya na ikaw o ang asawa mo o kayong dalawa ay mayroong psychological incapacity na gampanan ang responsibilidad bilang asawa sa isa't isa. Kinakailangan dito na kumuha ng psychologist na magsasagawa ng psychological test/interview sa iyo (at sa asawa mo kung nanaisin niya) upang ipakita na mayroon ngang psychological incapacity.

If you need legal assistance, please send me a direct email on km@kgmlegal.ph

Regards,

Atty. Katrina

http://www.kgmlegal.ph

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum