im living and working here at alabang as a warehouseman. 6 years na po ako sa aking company. last month ay kinausap ako ng boss ko at gusto po nila akong ilipat sa imus cavite. tumangi po ako sa kanilang alok sapagkat malayo po ito sa aking bahay. same salary po ang alok sa akin. ang sumunod po na kumausap sa akin ay ang aming hrd. sinabi din po nila na dapat agad na akong lumipat dahil nag baba na daw po ng desisyon ang aking boss. nag tanung na din po daw sila sa legal ng aming company kung may lalabagin ba sila sa kanilang hakbang ang sabi daw po ng aming legal ay wala.. ang tanong ko po sana ay maari po ba talaga nila akong ilipat kung gugustuhin nila o may karapatan po ba akong humindi sapagkat malayo ang aking paglilipatan? maraming salamat po