Itatanong ko lang po sana about sa Company Site Transfer.
Within this year, naka schedule na ang company(Electronics) namin for Full Transfer from Taguig plant to Laguna plant (new Building), Lahat po ng machines, paraphernalia and offices ay for transfer sa Laguna. Under new management napo kasi ang company namin.
As per our previous company Director bago pa sya magresign, lahat ng empleyado na gustong sumama sa laguna ay for Retrenchment/rehire or babayaran sasama man o hindi.
Same sa previous na ginawa sa kabilang area (partial transfer) na lahat ng hindi sumama sa Laguna ay binayaran ng 50%.
Mostly sa amin ay nasa 5-25 years length of service na.
Since new management na ang company namin, may unofficial information na maaaring walang maganap na retrenchment/rehire or bayaran mostly sa mga hindi sasama.
Ano po ang laban namin kung sakali hindi kami sasama sa Laguna?
possible po ba na bumagsak lang sa forced resign ang 20 years kung serbisyo sa company?
maraming salamat sa tutugon.
God bless...