Hihingi lang po ako ng legal advice regarding sa pinapipirmahan sa akin na new contract. 3 years ang contract ko po sa company ko ngayon, stated sa new contract na pinapipirmahan nila sa akin ngayon na pumapayag ako na itransfer sa new company(basically sila din po yung company, change name lang daw same management pa din. I don't know the reason sa pag change name nila, ang alam ko may kaso daw pero that's a different story po)
May right po ba ako na di pirmahan yung new contract? Mateterminate po ba contract ko sa old company(which is sila din, kasi mawawala na daw po yung company na yun kasi ito na yung bagong company) pag di ako pumirma sa contract? Makakakuha din po kaya ako ng COE sa kanila?
P.S. bonded po ako sa contract 150k. Napirmahan ko na po kasi dahil Fresh grad po di pa masyado aware that time. Almost 2 years na ako sa contract.