good day, gusto ko po sana humingi ng advice. lagi po kasi ako sinasabihan ng mama ko na wala akong karapatan na makialam sa desisyon nya na magbenta ng bahay na naipundar nila ng papa ko. hindi ko naman po kasi inaangkin, gusto ko lang pigilan ung kagustuha nya na mabenta ang bahay na yon, dahil napakababaw ng dahilan nya para ibenta yun, dahilan nya ay para may pang tuition yung kapatid ko, pero bukod pa dun ay alam ko na may sarili pa sya interes sa mapagbentahan sa bahay, may lalaki po kasi sya, at alam kong doon lang iyon mapupunta. kasalukuyan po sila hiwalay ni papa, si mama ang umalis dito sa bahay pero paminsan minsan ay umuuwi pa rin.
totoo po bang wala akong kakayahan pigilan yun gusto nya na yon? takot po kasi ang papa ko sa kanya kaya oo na lang ng oo si papa, pero ako bilang panganay na anak ay gusto kong ipaglaban ang karapatan ni papa sa bahay na yun, si papa ang nagpakahirap magtrabho para makabili ng lupa at mapatayuan ng bahay yun, pero hindi nya iniisip yun. puro pang sariling interes lang sya.
nais ko rin pong sabihin na pasok sa bigamy case ang kasal nila papa at mama. gaano po kalaki ang rights ni mama sa mga naipundar nila noong sila ay nagsasama pa? si papa lang po ang may trabaho noon.