gusto ko lang pong malaman kung may laban po ako kung maghahabol po ako sa company retirement ng aking tatay. Panganay po akong anak ng aking tatay ngunit di ko po dala dala ang kanyang apelyido dahil noong ipinanganak ako ay sakop pa po ng family code na hindi maaring gamitin ang apelyido ang ama kung hindi kasal. kaya ang apelyido ko pong gamit ay sa aking nanay. gusto po nila itong ayusin noon noong isang taong gulang palang ako pero di na po ngyari dahil nagkaroon ng karoon po ng problema ang aking nanay at tatay. dahil sa pagkakaroon ng third party ng aking tatay. kaya ang aking nanay ay pumunta sa kanyang kapatid at di na bumalik sa puder ng aking tatay, hanggang sa ng kaisip na po ako di ko po sya nakilala. Sa di magandang pangyayari di napuan po sya ng malubhang karamdaman at nabalitaan ng aking ina na patay na aking tatay. sa kanyang libing ko lang po saya nkita... at nakilala ko rin po ang aking bunsong kapatid (anak ng aking tatay sa kanyang third party na nging dahilan ng pagkkahiwalay ng aking mga magulang) nakilala ko na din po ang partido ng aking tatay, ang aking lola (nanay ng aking tatay) at aking tita... pag katapos po ng forty days nabalitaan namin sa mga ka trabaho nya na may makukuhang company retirement ang aking tatay. kaya pumunta po kami sa company, nalaman po namin na ang beneficiary nya ang kanyang ina dahil diniclare nya na single sya. dahil hindi din po kasi sya kasal duon sa babaeng kinakasama nya ngunit ang aking bunsong kapatid ay nakaapelyido sa aking tatay.. noong bumalik po kami dahil gusto ko rin po sanang habulin ang karapatan ko bilang anak nalaman nlang po namin sa company lawyer na wala kaming habol dahil wala daw po akong ibidensya na magpapatunay na anak ako ng aking tatay, dahil wala po ako ni isang picture na kasama sya kahit noong isang taong gulang palang ako. pero tinanong ko po kung ppwede ang DNA para lang mapatunayang tatay ko sya. tanong ko lang po kung kahit ganun po ang naging sitwasyon at mapatunay ng DNA na sya ang aking ama. may habol pa rin po ba ako?