ako po ay isang ama 28 yrs old. 5 mos old palang ang baby ko. problema ko po kasi ang karapatan ko sa kanya. Di kami nakasal ng ex-GF ko sa kadahilanan na magkaiba kami ng relihiyon. katoliko ako at sya's saksi. inaamin ko may pagkukulang ako dahil di ako nag pa-convert bilang saksi. mahal ko ang ex-GF ko pero may mga bagay na di ko makita sa relihiyon nila. di ko naman kaya siya hikayatin na sa relihiyon ko umanib. mataas ang pamantayan nila na kahit ano kaya nila ipagpalit wag lang ang relihiyon nila at paniniwala. nahihirapan ako ngayon sa karapatan kong dumalaw at makasama ang aking anak. hindi naman ako nagkulang ng pagsuporta sa anak ko at handa ko tugunan ang pangangailangan nya. simula ng ipagbuntis palang sinasagot ko na lahat ng gastusin hanggang sa manganak at lahat ng pangangailangan nilang magina ginawa ko. ngayon maayos na ang kalagayan nila may trabaho na ang ex-GF ko at nangyayari na ang kinakatakutan ko, na alisan nila ko ng karapatan pumunta sa bahay nila para makita ang anak ko. ano po ba ang dapat kong gawin para maipaglaban ko ang karapatan ko sa anak ko. maraming salamat po.