Ang pinsan ko po ay nabaril sa isang bar last 3 weeks, good thing hindi po siya napuruhan bukod po sa pinsan ko meron pang dalawang tinamaan, naagaw po yung baril sa suspect ng mga customer at siya po ay nabugbog.
kaya po siya ay dinala sa ospital para ipagamot pero 2 weeks palang po nabalitaan namin na magalig na ang suspect pero di parin po siya nakukulong at nananatili po sa ospital sabi po ng mga pulis kung ano ano dw po ang dindahilan na masakit.
ano po ba ang pwede namin gawin upang siya po ay malipat na sa kulungan? or pwede po ba namin mademanda ang ospital o doktor? Maraming salamat po!!!