magtatanong lang po sana ako regarding my 4 month old na baby na naka confine sa pribadong ospital as private patient. He's been confined since he was born last April 2, so mejo malaki na ang bill nasa 1.6M na since di na po kami makapagbayad kasi binabayaran pa namin ung promisory sa ospital ding yun na nagkakahalaga ng 1.7M. Ngayon po, ang ospital ay pinupursigeng maitransfer sa ibang government hospital ung anak namin kahit kulang sila sa kagamitan at ilalagay pa nila sa isang respiratory ward ang pasyente namin na nangangailangan pa ng incubator at oxygen. so in other words, hindi nababagay o compatible sa kalagayan ng pasyente namin sa kwartong paglilipatan sa ibang ospital. Ang inaalala namin bilang magulang ay na lalong maging malala ang kalagayan ng anak namin dahil sa maaaring makuhang infection sa kwartong iyon...Isa pang dahilan ay di rin namin kaya ang araw araw na gastos sa govt hospital dahil sagot namin ang incubator at oxygen niya araw araw. Kung hindi namin maibigay ang pangangailangan niya, hindi nila maiproprovide ang kailangan niya...Ayaw ko pong ilipat ang anak ko dahil hindi ako kampante sa magiging kalagayan niya. Pwede po bang tumanggi ako sa sapilitang paglipat sa anak ko? At ano pong pwede kong ikaso sa ospital kung sakaling ipagpilitan nila na ilipat ang aking anak ng walang pahintulot naming magasawa. MARAMING SALAMAT PO SA TULONG NINYO!