Hello! May tanong po ako. Nabasa ko na po halos lahat ng thread sa contract agreement pero wala po kasing angkop sa sitwasyon ko. Im a regular employee at ang kompanyang ito is a manufacturing company in cavite. Ipinadala po ako sa japan para mag training ng one year. Katumbas po noon ay five years na contract sa kompanya nila dito sa japan. Pero bago po ako pinadala, may nauna na sakin, two years lang ang contract nila dito, at yung mas nauna sa kanila, walang training bond. Tapos yung sumunod sakin na pinadala may training bond din na 5 years. Kaso po yung mga ipapadala nila ngayon (though hindi sila regular employees,galing po sila ng coop at agency) pero sa kompanya din namin nagtatrabaho ay wala pong bond. Paraang ang unfair lang po kasi. Bakit sakin limang taon. Sa ibang regular dalawa lang. Tas sa mga agency at cooperation wala. Magbabayad daw ho ako ng not less than 200k if magreresign ako. Please enlighten me. Legal ba talaga yun? Yung iconsistency sa rules sa pagpapadala nila ng trainee??