Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Physical Injury

Go down  Message [Page 1 of 1]

1Physical Injury  Empty Physical Injury Tue Dec 27, 2016 5:28 am

Japong


Arresto Menor

Good morning po, hihingi po sana ako ng Advice sa nangyaring gulo sa lugar namin. Last Dec. 24, 2016, nag se celebrate kami ng buong pamilya ko ng Reunion / Noche Buena sa harap ng bahay namin. Sa dami po ng bisita namin, napuno po ng sasakyan yung Street namin, may permit naman po kami sa presidente ng homeowners Association na isasara namin yung Street nung araw na yun.

Habang nagpapalaro kami ng parlor Games sa mga bata, bigla po dumating yung isang kapitbahay namin na dala yung sasakyan nya,  Nung nakita ko na po sya, nilapitan ko na sya agad para sabihin na ililipat yung isang sasakyan para makapasok sya sa garahe nya. Maganda pa po ang pag approach ko sa kanya nung time na yun, pero hindi po maganda ang salita nya sakin.. Sa sobrang nayabangan ako sa sagot nya, nakapag mura ako (indirectly). Hanggang nagkaroon na ng maikling pagtatalo kasi inawat na kami ng mga pamilya at kapitbahay ko. Lumayo na po ako pagkatapos nung unang pagharap namin na yun.

After 15mins po, bumalik sya sa labas ng bahay nya at nagwawala habang inaawat na sya ng asawa at biyenan nyang babae. , nung nakita ko sya na sumisigaw at parang  naghahamon na ng away, (galit na galit sya sakin kasi minura ko daw sya) pinuntahan ko at bigla naman ako sinalubong ng biyenan nyang lalaki  para awitin., habang nag uusap kami ng biyenan nyang lalaki,..
Hindi nagtagal habang nag uusap kami ng biyenan nya, bigla na lang nagkagulo pagka kita ko, pinag tutulungan na ng mga bisita ko at ibang kapitbahay namin bugbugin yung nagwawalang kapitbahay ko, yung iba umaawat pero yung iba sumusuntok.

Ngayon po, ako daw ang Ide demanda nila. Ano po ba ang pwede kong gawin para sa depensa ko, at ano po ang pwede nilang i kaso sa akin? handa naman tumistigo lahat ng kapitbahay ko pabor sakin.. Nagkaroon lang po ng Black eye yung nabugbog at nakakapag lakad naman ng parang walang nangyari.. Kilalang mayabang talaga yung nagulpi, lahat po ng kapitbahay namin galit dun sa tao na yun kaya sya pinagtulungang gulpihin.

Sana po matulungan nyo ako.

Maraming salamat po..

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum