Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Libel, misleading information, character assassination and adultery

Go down  Message [Page 1 of 1]

Baes Romeliza


Arresto Menor

Ask ko lng po ano ang pwede kong ipangbwelta sa bantang kakasuhan ako ng libel, misleading of information, character assassination at adultery ng kasalukuyang kabit ng ex boyfriend ko na legally married gayung lahat ng sinabi ko ay totoo pero di po ako makakapagbigay ng katibayan ng pinagkunan ko ng impormasyon dahil nabura na po lahat sa cell phone ko. Pero sigurado po ako sa lahat ng sinabi ko tungkol sa kanilang dalawa.
Bale ganito po kasi yun, may nakarelasyon po akong may asawa at anak bago ako lumabas ng bansa, maayos kami noon at nagsama, nakipaghiwalay kasi sya sa asawa nya noon. Makalipas ang ilang buwan nung wala na ako dito sa Pilipinas, nagkalabuan po kami at nagdesisyon akong magkipaghiwalay sa kanya. Tapos nung bumalik ako dito matapos ang kontrata ko at nakipagkita sa kanya para kunin ang mga gamit ko sa kanya nung nagsasama pa kami, nagparamdam sya na gusto parin nya ako. Pero inamin nya ring may karelasyon na ulit syang iba na kasama nya sa trabaho at may anak din, pero mas gusto parin nya ako. Nagkaayos kami sa kondisyong makikipahiwalay sya dun sa katrabaho nya. Pero yung babae po ay nagalit sa akin at tinawagan at tinext ako. Alam ko na sa boyfriend ko nya nkuha ang number ko at ang lahat lahat ng inpormasyon tungkol sa akin na alam nya dahil nagkausap pa rin pala sila kahit kami na ulit. Yung babae hindi ko po kilala as in kahit pangalan nya. Naikwento lang po sya sa akin ng boyfriend ko at nabanggit din nya sakin noon ang tungkol sa nangyayari sa kanila, kung gaano kadalas at kung saan, actually, tinanong ko talaga yun sa boyfriend ko. So pinapili ko po sya kung ako o yung katrabaho nya ngayon. Ako po ang pinili nya. Ok po kami ng 1ng linggo kahit di kmi masyadong nagkikita, kalaunan naging mas madalas na kaming magtalo kasi maliban dun s girlfriend nya na katrabaho nya at mas madalas nyang nakikita at nakasama kaysa sa akin ay inamin din nya na nagkikita na pala ulit sila ng dati nyang asawa. Dahil po dun, nito lang nakaraang lingo nagdesisyon ulit akong makipaghiwalay sa kanya. Binigyan ko sya ng laya para ayusin ang tunay nyang pamilya. Pero nagulat nalang po aq nung isang gabi ibang numero nanaman ang tumawag sa akin, that time, yung tatay ng anak ng girlfriend nya na katrabaho nya. Nagulat po ako kasi kilala rin ako nung lalaking nakausap ko na parang batang nagsusumbong sa akin na tumatawag pa rin daw ang exboyfriend ko sa asawa nya. Sinabi nyang naguusap daw ulit ang mga ito. Nilinaw ko sa kanya na wala na kami nung lalaking un kaya tigilan na nila ako, naisipan kong tawagan yung babae kasi nakasave naman yung number nya sa phone book ko para sana iinform sya sa ginagawa ng asawa nya sa akin, pero sa halip na yung babae ang sumagot, yung lalaki pa rin ang nakausap ko, dun na po ako naglakas ng loob na tanungin yung lalaki kung bakit ako ang tinawagan nya, saan nya nakuha ang number ko, kung ok lang ba na ginagawa sa kanya ng asawa nya ang ganun at kung ano ang pangalan nya. Bigla nya po akong binabaan habang nakikipag usap ako sa kanya. Ang pagtawag na yun ay nangangahulugang na may namamagitan pa rin sa exboyfriend ko at sa girlfriend nyang katrabaho nya.
Sa galit ko po, nag-email ako agad agad sa office nila about sa relasyon nila. Bawal po kasi sa kanila yun lalo't alam ng company nila na may asawang tao yung exboyfriend ko, kaya nangangamba po silang parehong mawalan ng trabaho. Kaya po yung girlfriend niyang katrabaho niya ay nagbantang kakasuhan ako ng libel, misleading of information, character assasination at adultery kapag nadamay sya sa report ko sa hr nila, maging ang exboyfriend ko ang nakipagkampihan dun sa girlfriend nya para palabasing gumawa lang ako ng kwento. Wala po akong pwedeng ipresintang ibedensya kasi nag-aauto delete mga txt sa fon ko after 1week. Lahat po ng inpormasyon ko ay base sa mga sinabi sa akin ng exboyfriend ko. At di ko po magagawa ang kwento yun kung wala po akong pinagkunan ng inpormasyon. Sila po ang unang komontak sa akin, at komontak ulit, nananahimik na po ako. Ano po ang pwede kong icounter charge? At if ever po anong pwedeng mangyari sa akin? Lumalabas po ako ng bansa para sa kinabukasan ng sarili kong pamilya. Sana po matulungan ninyo ako. Wala po akong panggastos para sa ganitong pangyayari at bagay. Tulungan nyo po sana ako.

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum